TRAIN, NASASAGASAAN NA BA ANG PASAHE?

NGAYONG linggo na ito ay balitang maghahain ng petition for fare increase ang iba’t ibang samahan ng public utility vehicles bilang reaksyon sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo na epekto ng implementasyon ng tax reform ng gobyerno na TRAIN.

Malaki ang itinaas ng presyo ng mga produktong petrolyo na direktang mararamdaman sa transport sector.

Pati na rin ang pagtaas ng ibang bilihin kaya naman magreresulta ito ng pagtaas din ng pamasahe.

Balita na sa taxi ay maghahain ang PNTOA NA GRUPO ng taxi operators na itaas ang flagdown rate mula sa P40 tungo sa P50.

Ito’y kahit na kaaapruba pa lang ng ltfrb ng fare adjustment sa taxi noon lamang nakaraang taon na permanente na ang P40 pesos na flagdown, P13.50 per kilometer at P2 per minute na travel time.

Ngunit ilan pa lamang na taxi ang nakapag-calibrate ng metro nila para rito kaya naman ang mga taxi driver ay nangangamba na mawawalan na sila ng pasahero kapag itataas pa ang pasahe ng taxi.

Kaya ayon naman sa Dumper taxi drivers association, hindi na sila maghahain ng fare increase.

Sa jeepneys naman ay may nakabinbin din na fare hike petition mula P8 pataas sa P12.

Sa UV Express naman, may grupo na nagsasabi na hindi sila magpepetisyon ng pagtaas.

Pero may ibang grupo naman na magtataas din, lalo na raw ‘yung mga biyahe na dumaraan sa expressway dahil tumaas din ang toll fee.
Sa UV, ang pamasahe sa kasalukuyan ay P2 per kilometer.

Sa TNVS naman, nagsampa na ang Grab ng petisyon na payagan din silang magtaas.

Inaabangan din natin ang magiging pasya ng nga city at provincial bus operator kung sila rin ay magpepetityon ng pagtaas ng pasahe.

Kaagad namang nag-anunsyo ang LTFRB na walang magaganap na pagtaas ng pasahe hanggang buwan ng Marso dahil daraan pa sa masusing pagdinig ang lahat ng petition for fare increase at kukunin ang panig ng ibang sektor, lalo na ang mga commuter na siyang magpapasan ng anomang pagtataas ng pasahe.

Sa parte ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), sa ngayon ay susubaybayan namin ang mga bagay at isyung ito.

Inaasahan natin ang mga pagtaas ng pasahe, pero gaano man itataas, ‘yan ang magiging malaking usapin.

Para sa LCSP, dapat ay “FAIR FARE” para sa lahat.

Umaasa kami na mapagaaralan nang mabuti ng LTFRB ito at makapagpapasya ng “FAIR FARE” para sa lahat. SIBOL/ATTY. ARIEL ENRILE-INTON

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply