Trak rinatrat sa Payatas

RINATRAT ng bala ang truck ng isang private garbage hauler sa Payatas Road, Quezon City.

Ayon sa driver nitong si Manuel Valdevilla, nakasakay siya sa trak nang ito’y pagbabarilin ng dalawang lalaki na pawang sakay ng motorsiklo.

Hindi naman ito ang unang insidente ng pamamaril sa Ecowaste Management Company dahil unang pinaulan ng bala ang iba pang mga trak nito noong December 25 noong nakaraang taon.

Ayon kay Aurora Cruz, may-ari ng trak, narekober ng mga pulis ng mga bala ng .45 noong unang insidente ng pamamaril.

Nang matanong kung ano ang maaring dahilan nito, ay nasabi nito na sila ay naireklamo na sa barangay dahil sa amoy na nagmumula sa lugar pero aniya ito ay matagal nang naayos dahil tanging mga recyclable materials na lang ang naitatambak sa kanilang compound. JOHNNY ARASGA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply