Tren vs trak sa S. Africa, 18 tigok

TIGOK ang 18 katao habang mahigit sa 200 ang sugatan sa pagsalpok ng tren sa isang trak sa South Africa.

Sa ulat, pinilit tumawid ng trak sa crossing ng riles kahit paparating na ang tren kaya inabot ito.

Ilang bahagi ng tren ang nasunog matapos ang salpukan dahilan para ma-trap ang ilang mga pasahero nito.

Mahigit 700 pasahero ang sakay ng nadisgrasyang tren na patungo sanang Johannesburg mula Port Elizabeth.

Patuloy ang malalimang imbestigasyon sa insidente. -30-

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply