Trust fund sa mga nabakunahan ng Dengvaxia hinirit sa Sanofi

UPANG masigurong may makukuhang pondo ang mga nabakunahan ng dengvaxia sakaling magkasakit ang mga ito sa hinaharap resulta ng bakuna, nais ng isang mambabatas na obligahin ang drug manufaturer na sanofi-pasteur na magkaroon ng isang trust fund.

Ayon kay Negros Oriental Rep. Arnie Teves nararapat lamang na mayroong trust fund para sa mga nabakunahan ng dengvaxia para kung oras na kailanganin ito pagdating ng panahon ay walang turu-turuan na mangyayari at may makukuhang panggastos ang mga biktima

Ani Teves and trust fund ay dapat may P2B pondo o katumbas ng P50,000 para sa bawat batang nabakunahan.

Aminado si Teves na ang bagsik ng maling bakuna na naturok sa mga bata ay posibleng hindi pa lumalabas ngayon at nangangamba siya na kung makalimutan na ang isyu ay makalimutan na din ang mga biktima.

Kasabay nito ay muling ipinanawagan ng mambabatas na maparusahan ang mga nasa likod ng sanofi pasteur dahil pinayagan nilang maibenta ang kanilang bakuna nang walang katiyakan sa bisa nito, ang ginawa umano ng kumpanya ay malinaw na labag sa batas dahil nagmistulang guinea pig ang mga batang biktima. GAIL MENDOZA

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply