Unang araw ni Pang. Digong sa India, mabunga

KAAGAD na naging mabunga ang unang araw ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa New Delhi, India.

Ito’y makaraang pormal na lumagda ang Pilipinas at India sa isang ‘investment facilitation agreement’ matapos ang bilateral meeting sa pagitan nina Pangulong Duterte at Prime Minister Narendra Modi.

Tiniyak ni External Affairs Ministry Spokesperson Raveesh Kumar na ilan sa mga napag-usapan ng dalawang lider ay tungkol sa pamumuhunan at kalakalan, ‘defense and security’, edukasyon at kooperasyon ng bawat mamamayan.

Bago pa ang bilateral meeting sa pagitan nina Modi at Duterte ay nakipagpulong na rin ang Indian leader kina Myanmar State Counsellor Aung San Suu Kyi at Vietnam Prime Minister Nguyen Xuan Phuc.

Lumipad patungong India upang paghandaan ang kanyang pagdalo sa Commemorative Summit na pagdiriwang din ng 25 taon ng India-ASEAN Dialogue Partnership.

Nauna nang sinabi ng Malacañang na ang pagdalo ng president sa India-ASEAN Summit ay personal na hiling ni Modi kay Duterte sa kasagsagan ng 31st ASEAN Summit sa bansa noong Nobyembre.

Bukas, Biyernes, Enero 26 ay nakatakda namang dumalo para sa mga gagawing selebrasyon para sa ‘Republic Day’ ang pangulo kasama ang iba pang ASEAN leaders bilang guest of honours.

Nagpadala ng pormal na imbistasyon para kay Pangulong Rodrigo Duterte ang European Union (EU) para sa magaganap na 12th Asia-Europe Meeting (ASEM).

Kinumpirma naman ito mismo ni EU Ambassador to the Philippines Franz Jessen.

Ang nasabing pagpupulong na dadaluhan ng mga bansa mula sa Europa at Asya ay magaganap sa October 18 at 19 sa Brussels, Belgium.

Ipinadala ang imbitasyon sa Palasyo ng Malacañang ngunit hindi pa sila nakatatanggap ng reply ukol dito dahil maaaring kakatanggap lamang nito ng tanggapan ng pangulo.

Ang nasabing imbitasyon ay dumating sa kasagsagan ng pagtanggi ng Pilipinas sa P380-milyong aid mula sa EU.

Sinabi pa ni Jessen na welcome ang pangulo sa Europa at ang kanyang pagdalo ay maaaring maging oportunidad upang mapalawig pa ang kanyang kaalaman tungkol sa kontinente.

Sakali anyang pumunta ang pangulo sa Europa at lumahok sa mga diksusyon ay maaaring bumalik ang pangulo na may positibong pananaw ukol sa EU.

Magugunitang, ilang beses binatikos ni Duterte ang organisasyon dahil sa mga kritisismo nito laban sa giyera kontra iligal na droga ng administrasyon. KRIS JOSE

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply