UNTOUCHABLE

BALIK-TANAWIN natin ang kaharian ni Mayor Lenie Cayetano sa Taguig. Patuloy pa rin daw ang operasyon ng patayaan ng lotteng nitong tinataguriang “Lotteng King” na si Rene Ocampo alyas RR sa lungsod.

Talagang malakas pala ang mamang ito kina mayora at kay Taguig Chief of Police Supt. Alex Santos dahil sa kabila ng binanatan na natin ito ay hindi man lamang umaksyon ang mga nasabing opisyal.

Aba’y paano ba naman na hindi lalakas ang kumag na maglo-lotteng na ito sa nasabing lungsod, eh, protektado siya ng kapulisan.
Katunayan ay laging napagkikita na umiikot itong si alyas Sarhento Penascosa na katiwala ni Kapitan Mangohan sa mga puwesto ng patayaan ng lotteng ni RR.

Hindi ko lang alam kung bakit na nag-iikot ang kumag na pulis na ito. Kung ito ba ay para bantayan ang mga patayaan ng mga pa-lotteng ni RR na nakapwesto sa mga kanto-kanto o nag-iikot siya dahil kumukolekta ng lingguhang “timbre.” Eheehehe!

Ang pinagtatakhan ko lang ay kung bakit tila “no say” itong si Col. Santos sa kabila ng pagkakabanat natin dito noong isang araw.

Hindi man lamang siya umaksyon para hulihin at ipatigil ang patayaan ng pa-lotteng nitong si RR sa mga kanto

Bakittttttt?

BAGYO KAY PD

Sa Region 4-A mula sa mga lalawigan ng Laguna at Batangas, namumukadkad ang mga makina (video-karera) ni Rico F ng Pililla, Rizal sa mga bayang gaya ng Cabuyao at sinakop na rin niya ang Batangas City na dating puwesto ni Bridget.

Pero dahil sa “bagyo” siya kay Batangas Provincial Director (PD) Supt. Alden Velvo ay pinapwesto siya rito ng nasabing opisyal.

Super sa ‘bagyo’ talaga itong si Rico kay PD Supt. Velvo kaya madali niyang naarbor ang Batangas City para paglatagan niya ng kanyang mahigit sa isang daaang makina nito.

Anong klase kang PD, Supt. Velvo, bakit ninyo pinayagan na makapaglatag ng 100 video-karera itong si Rico sa nasasakupan ninyong lalawigan?

Hindi mo ba alam na distribusyon area ng illegal drugs ang mga pwesto nito? Bakitttttt????

May kasunod.

oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply