UST award ibabalik ni Rep. Villarin

DAHIL lumalabas na wala namang merito ang natanggap na award mula sa UST Alumni Association, isasauli ni Akbayan Rep. Tom Villarin ang pagkilala na iginawad sa kanya noong Enero 21 kahalintulad ng natanggap ng kontrobersiyal na si Usec. Mocha Uson.

Ayon kay Villarin, hindi n’ya matanggap ang naging katwiran ng Alumni Association na ang criteria lamang sa pagbibigay ng award ay dapat graduate ng UST at bahagi ng gobyerno ang awardee.

Ani Villarin kung ganito lamang ang batayan sa pagbibigay ng award ay dapat lahat na ng Thomasian na nasa gobyerno ay mabigyan ng kahalintulad na parangal lalo at marami umanong graduates ng unibersidad ang nagtatrabaho sa gobyerno.

Aminado ang mambabatas na nakakahiya para sa isang tao na tumanggap ng award kung ang mga kilos at asal nito ay saliwa sa core values ng Thomasian partikular ang Truth In Charity, Public Accountability at Transparency, ito umano ang dapat na tingnan bago maggawad ng award.

Malinaw umano na ang nabanggit na core values ay wala kay Uson lalo at naging kilala ito sa pagpapakalat ng fake news, bastos na pananalita, kalaswaan at lumalabag sa ethical standards ng journalism.

Kung napakababaw lang din naman umano ng criteria sa paggawad ng award ay mas mabuti nang huwag nya itong tanggapin. GAIL MENDOZA

 

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply