Walang compromise agreement sa mga Marcoses-Palasyo

TIKOM ang bibig ng Malakanyang sa panukalang batas sa Kamara na magbibigay ng immunity sa pamilya Marcos at payagang magkaroon ng compromise agreement sa kanilang “ill-gotten weatlh” o nakaw na yaman.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kinikilala ng Executive Department ang separation of powers at pagiging independent ng Kongreso sa kanilang trabaho.

Bahala na aniya ang Kongreso ang magsagawa ng diskusyon at debate hinggil sa panukalang batas.

Itinatwa ni Sec. Roque na mayroon ng nabuong compromise deal ang gobyerno at pamilya Marcos.

“There is no truth to the allegation that the goverment has reached a compromise agreement with the family of the late President Ferdinand Marcos,” anito.

Bagama’t sumulat aniya  si Atty. Oliver Lozano sa Office of the President (OP) para ipanukala ang pagbuo ng legal team na mag-aaral sa compromise agreement sa Marcos family, hindi pa ito inaaksyunan at pinapaboran ng Malakanyang.

“Atty. Oliver Lozano may have written to Malacanan proposing the creation of a legal team that would study a compromise agreement with the Marcos family. The proposal, however, has not been acted and agreed upon by the Palace. As to the supposed House bill granting immunity on the Marcoses and allowing compromise on their sequestered assets, the Executive, as we all know, recognizes the separation of powers and independence of Congress. We leave the matter to the House of Representatives to discuss and deliberate,” ani Sec. Roque.

Sa ulat, itinanggi ni dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang sinasabing compromise agreement na nabuo na umano ng gobyerno at kanyang pamilya kaugnay sa pagsasauli ng kanilang ill-gotten wealth.

Matatandaang tiniyak ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na nagsumite na si Atty. Oliver Lozano sa Malacañang ng isang draft proposal para sa proseso ng pagbabalik ng mga Marcos sa bahagi ng umano’y nakaw na yaman.

Ani Sen. Marcos na wala silang alam sa compromise deal at hindi umano ikinakatawan ni Lozano ang kanilang pamilya. KRIS JOSE

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply