Zero budget joke lang – Alvarez

MATAPOS umani ng batikos, kumambyo si House Speaker Pantaleon Alvarez at sinabing biro o joke lang ang intensyon nito nang sabihin na bibigyan nito ng zero budget ang mga local officials na hindi susuporta sa federal government na isinusulong ng Duterte Administration.

Giit ni Alvarez na malinaw naman na biro lamang ito dahil hindi naman ito mangyayari lalo at ang national budget ay dumadaan at inaaprubahan din sa Senado at hindi lamang ng Kamara.

Sa kamara ay una nang hindi binigyan ni Alvarez ng alokasyon ang mga mambababatas na kritikal sa administrasyon, katwiran nito, nirerespeto nya ang opposition lawmakers subalit dapat din nitong tanggapon ang consequence ng kanilang hindi pagsuporta.

Katwiran ni Alvarez nagiging prangka lamang sya hindi gaya ng nakaraang mga administrasyon na ang mga nasa oposisyon ay hindi tinatanggalan ng budget ngunit bandang huli ay hindi rin nakakakuha ng budget dahil iniipit.

Umaasa si Alvarez na hindi makakaapekto sa kanyang kredibilidad bilang public official ang ginawa nyang pagbibiro, aniya, mas nais nyang tingnan ng publiko ang kanyang mga nagawa kaysa sa kanyang mga biro. GAIL MENDOZA

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply