OFWs mula Kuwait ihahanap ng trabaho

PLANO ng pamahalaan na ihanap ng ibang bansa na maaaring pagtrabahuhan ang overseas Filipino workers (OFWs) na umuwi mula sa Kuwait, kasunod na rin ng total deployment ban na ipinatutupad doon ng pamahalaan.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, isa sa mga bansang plano nilang paglipatan sa OFWs ay ang China, na sa ngayon ay nangangailangan ng may 100,000 English teachers at English-speaking na household workers.

Magandang oportunidad aniya ito dahil ang English teachers sa China ay sumusweldo ng
$1,500 o katumbas ng P78,000.

Ayon kay Bello, maaaring ngayong buwan na ito o sa susunod na buwan ay lumagda na ang Pilipinas at China sa isang bilateral agreement para sa pag-deloy ng mga OFW doon.

Aniya pa, ilan pang bansa na maaaring pagdalhan ng mga OFW na apektado ng deployment ban sa Kuwait ay ang Israel, Czechoslovakia, Germany at Japan.  MACS BORJA

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply