60 OFWs mula Kuwait, nakabalik na ng bansa

DUMATING na sa bansa ang 60 pang distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) galing Kuwait.

Dumating sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) alas 6:40 ng umaga ang Philippine Airlines flight PR 669 na sinakyan ng mga OFW.

Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) karamihan sa mga napauwing OFW ay biktima ng pangmamaltrato ng kanilang amo, hindi sinuswelduhan at iba pang uri ng pang-aabuso.

Ang iba naman ay pinauwi dahil paso na ang kanilang kontrata.

Ito na ang ikatlong batch ng mga OFW na nakauwi sa bansa galing Kuwait makaraang magpatupad doon ng amnesty program para sa overstaying foreign workers.

Noong February 2 dumating ang unang batch ng distressed OFWs kung saan aabot sa 39 ang nakauwi, nasundan ng ikalawang batch noong February 4. JOHNNY ARASGA

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply