94 SANGAY NG SSS NA MAY ATS, TUMATANGGAP NA NG KONTRIBUSYON GAMIT ANG PRN

TUMATANGGAP na ang 94 sangay ng SSS na may Automated Tellering Systems (ATS) ng kontribusyon mula sa employers at individually-paying members sa ilalim ng Enhanced Contribution Collection System (e-CS) gamit ang Payment Reference Numbers (PRNs).

Nagsimula noong Enero 16, 2018, kailangang iprisinta ng self-employed, voluntary at OFW members ang kanilang PRN kapag magbabayad ng kontribusyon upang ito ay mai-post kaagad sa SSS.

“Kung nakarehistro ang kanilang mobile numbers sa SSS ay matatanggap nila ang PRN sa pamamagitan ng SMS. Sa mga nakarehistro sa My.SSS facility sa SSS website, makukuha nila doon ang Statement of Account (SOA) kung saan nakasaad ang PRN. Kung hindi pa nakarehistro sa My.SSS facility, pupunta muna sila sa e-Center o Member Services Section (MSS) ng pinakamalapit na tanggapan ng SSS para makakuha ng PRN,” sabi ni SSS President and Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc.

Sinabi rin ni Dooc na may special lane sa lahat ng SSS branches para sa mga nais i-access ang kanilang My.SSS account para ayusin o kumpirmahin ang kanilang SSS records.

Nais ng bagong sistema na tinaguriang real-time posting of contributions (RTPC) na pabilisin ang pagproseso ng claims at maiwasan ang diskwalipikasyon ng miyembro sa mga benepisyo at loan sanhi ng pagkakaantala sa posting ng kontribusyon. Nakakatanggap ang SSS ng libo libong request buwan-buwan para sa manual na beripikasyon at pagwawasto ng contribution records. Ang mga ito ay kadalasang nangyayari dahil sa may mga mali sa ipinasang contribution collection reports o di kaya ay naantala o hindi nakapagbigay ang employer ang nasabing dokumento.

Maliban sa My.SSS, ang mga individually-paying members ay maaari ring kumuha ng kanilang PRN sa pamamagitan ng pagtawag sa PRN Helpline, 920-6446 hanggang 55 o sa Toll-Free Hotline 1-800-10-225. Bukas ang linyang ito sa loob ng 24 oras mula Lunes hanggang Biyernes. Pwede ding makakuha ng PRN sa PRNHelpline@sss.gov.ph.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply