Agaw-eksena si Maine Mendoza sa celebrity screening ng movie nina Carlo at Bela !

SWAK NA SWAK ni Julie E. Bonifacio

AGAW-ATENSYON ang pagdating ng Kapuso star na si Maine Mendoza sa celebrity screening ng “Meet Me in St. Gallen” na pinagbibidahan nina Carlo Aquino at Bela Padilla mula sa Spring Films and Viva Films.

Bulung-bulungan agad kung bakit nandu’n si Maine. May nagsabi na baka niyaya ni Angelica Panganiban dahil may tsikang friends sila. Habang si Angelica naman kaya nandoon para suportahan ang ex-boyfriend niya na si Carlo Aquino at para na rin sa movie na rin. Kung bakit, kailangan panoorin ninyo ang “Meet Me in St. Gallen” now.

‘Yun pala, Maine was there para sa director ng movie na si Irene Villamor na direktor niya sa isang teleserye niya with Alden Richards sa GMA7.

Hindi nahiyang nagpaka-fangirl si Maine sa pagpa-selfie niya with Carlo after the movie was screened. Si Direk Irene ang nag-karay kay Carlo na puntahan si Maine sa upper portion ng Cinema 7 sa Trinoma para magpa-piktyur ang kalabtim ni Alden.

Hindi naman siguro si Maine ang magiging hadlang sa posibleng balikan nina Carlo at Angelica, huh!

Anyway, kay gwapo naman ni Carlo sa movie. May mga lalaki talaga na kung kailan nagiging mature, saka mas lalong gumagwapo. Hindi lang ‘yun, humusay rin ang pag-arte ni Carlo ngayon.

Mabilis siyang umiyak at parang gripo kung tumulo ang luha mula sa mga mata. And yet, gwapo pa rin at ‘di distorted ang mukha. Kaya madadala ka talaga nang pag-iyak niya, ‘no?

Samantala, nakakuha ng UNANIMOUS Grade of “A” ang “Meet Me in St. Gallen mula sa CEB. Masarap daw ‘yung feeling niya about his new film.

“Pero kahit papano may pressure lalo na galing sa ‘Kita Kita.’ Pero ‘yun ang isa sa pinakamaganda sa Spring Films, e, kasi hindi nila pinaramdam sa akin na kailangan maging big hit din ito. ‘Yung proseso nang paggawa ng pelikulang kalmado lang. ‘Yung alam nila na mahal mo ‘yung trabahong ginagawa mo,” lahad ni Carlo.

Tungkol naman sa kanyang lovelife, sa mga naging nobya ni Carl wala pa raw siyang binalikan. Pero kung meron daw siyang babalikan na ex-gf, siya’y walang iba kundi si Angelica.

May usapan na rin daw sila ni Angellica na kapag dumating ang panahon that they found each other again na parehong walang karelasyon, magbabalikan sila.

So, alam mo na Maine Mendoza?

* * *

True ang kasabihang ‘when it rains, it pours’ para sa kilalang celebrity na si Papa Ahwel Paz. Sabay-sabay na bumuhos ang blessings sa co-anchor ni Kuya Jobert Sucaldito sa radio show nila na “Mismo” sa DZMM.

Unahin na natin ang pagtampok ng buhay niya sa Asia’s longest drama anthology na “Maalaala Mo Kaya” na ipapalabas sa ABS-CBN ngayong Sabado pagkatapos ng “Little Big Shots.”

Ayon sa ilang staff ng MMK, favorite episode raw ng host nang top-rating drama anthology na si Charo Santos ang kwento ng buhay ni Papa Ahwel sa kanyang programa na isinulat ni Akeem del Rosario at sa direksyon ni Topel Lee.

Sabi ni Papa Ahwel sa amin, “M”am Charo personally chose my story after reading Tito Ricky Lo’s feature of me. She readily called MMK prod to contact me. I did not have any hand in the production except the script. Walang dagdag, walang bawas.”

Pangalawang blessing ni Papa Ahwel ay ang bagong movie na shino-shoot niya ngayon with Kim Chiu and Ryan Bang for Star Cinema. Pangatlo, bahagi rin siya sa malapit nang ipalabas na movie nina Erich Gonzales at Lovi Poe.

Pang-apat, may upcoming shows siya sa Athens, Greece, Taiwwan, London, Milan, Dubai at sa iba pa’ng mga bansa.

And last but not the least, nominated siya sa PMPC Star Awards for Movies for Best New Movie Actor mula sa pelikulang ‘Bhoy Intisk.”

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply