Apektado si Tita Helen sa commercial nina Shawie at Gabo!

AMINADO ang Business unit head ng prime-time series na Wildflower na si Ruel Bayani na sila nga ay nakatanggap ng “warning” mula sa Movie Television Review and Classification Board.

Ang MTRCB warning umano ay para sa January 30 episode nila kung saan tino-torture ang karakter ni Maja Salvador na si Lily Cruz sa plaza ng Poblacion Ardiente. Makikitang duguan si Lily Cruz habang sinasaktan ito sa harap ng mga tao.

Ipinaliwanag ni Ruel Bayani na kahit sila ay nagpra-practice na ng “self-regulation” pagdating sa mga maseselang eksena ay kailangan pa rin daw nilang ipalabas ang ibang “very bloody” dahil bahagi raw ito ng kwento.

Sabi pa ni Ruel: “Surprisingly, parang dito na lang kami sa dulo na-warningan. Warning lang itong very bloody… itong tinorture si Lily sa town plaza. Warning lang ‘yun because, remember, we’re being responsible rin also because alam mo naman, ang story riyan is we should be able to self-regulate.”

Dagdag pa niya, “Pero okay naman na ang lahat naayos din naman, kinailangan lang talaga para sa nasabing kwento!

“Pero ang higit sa lahat, ‘yung pasasalamat namin sa mga supporters at viewers ng Wildflower na hindi bumitiw hanggang sa huli, sobrang nagpapasalamat kami from our bottom of our heart, Thank you everyone.”

Ang eksena na iyon raw ang magpapakita sa tunay na kasamaan ni Julio Ardiente.

“Kailangan kasi namin sa kwento, kailangang tumodo ‘yung abuse para ma-human rights abuse si Julio Ardiente.

“Sa eksena kasi kailangan na magising yun mga ibang naniwala kay Julio kung sino at gaano siya kasama, parang ganon ‘yun kaya nid naming i-todo ang climax ng stor,” deklara pa niya.

***

NITONG biyernes, February 9, 2018 naging guests sa programang Tonight with Boy Abunda (TWBA) ang aktor na si Carlo Aquino upang i-promote ang kanyang pelikulang Meet me in St. Gallen katambal ang aktres na si Bela Padilla.

Matatandaang saglit na nawala sa limelight si Carlo subalit muling nagbalik noong 2017 matapos bumida sa teleseryeng The Better Half sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN kasama sina Shaina Magdayao, JC de Vera, at Denise Laurel.

Ngayon naman, sa kauna-unahang pagkakataon ay nagtambal sila ni Bela Padilla sa isang pelikulang romantiko.

Sa panayam kay Carlo sa TWBA, inamin niyang nakaranas siya ng depresyon matapos lumamlam ang kanyang karera, at pinagdudahan niya ang kanyang sariling kakayahan sa pag-arte.

Pero ng tanungin siya ni Kuya Boy kung paano siya napili para maging bida sa nasabing pelikula.

Kwento ni Carlo: “Nag-meet kami nila sir Erickson at direk Irene, tapos kinuwento nila ang storya. Tapos sabi ko sa kanila, ‘Sigurado ba Kayo?’ (referring to the producers),” sabay tawa ni Carlo.

Pasundot tanong ni Kuya Boy kay Carlo, “Bakit mo na tanong yun?”

“We’ll ganon po kasi ako talaga! Never kasi ako naging Confident! Nandun pa kasi yun takot ko palag. Kaya ko ba ito or wat!?” sabi pa ni Carlo.

Samantala, umaasa rin si Carlo na muli silang magkasama ni Angelica sa isang proyekto lalo’t nasa ilalim lamang sila ng isang network, at maraming mga tagahanga at tagasubaybay na nasasabik nang makita ang dalawa sa isang pelikula o teleserye na sana raw eh, mabigyan sila ng pagkakataon para sa isang magandang proyekto.

***

SA Instagram post ni Sharon, ibinahagi niya ang pag-iyak ng kanyang tita Helen Gomboa-Sotto na tila apektado habang pinanonood ang McDonald’s commercial nina Sharon at Gabby.

Kapansin-pansin din ang pagtawa sa background ni Ciara Sotto, anak ni Helen.

Ito ang nasa caption post ni Sharon: “MAMA MAY I REMIND YOU WHEN WE BROKE UP THE FIRST TIME WHEN I WAS 16 AND LIVED WITH YOU IN WHITE PLAINS FOR A WHILE HE CAME PALA SEVERAL TIMES AND YOU DIDN’T LET HIM IN AND YOU DIDN’T TELL ME! AND YOU KEPT ALL HIS LETTERS! I HAD NO IDEA! I FOUND OUT HIWALAY NA KAMI AT MAY ANAK NA! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!”

Pinatahan naman ni Sharon sa huling bahagi ng kanyang caption ang kanyang tiyahin na si Helen Gamboa-Sotto.

“Awwwww Mama ko… itchokey… he is happy na and me ren, so please stop na crying. STOP WATCHING IT OVER AND OVER AND OVER! CIARA!!! DON’T GIVE HER NA THE PHONE! HAHAHAHAHA!

Jusko pati lahat ng Gamboa kong Tita at clan ay nabulabog. First time in our history ito ano ba yan! Hahahahaha!” SABEEE!/TROY CATAN

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply