Ate Shawie, babad na rin sa social media

PAPAK! ni Abe Paulite

BAWAT kibot ni Sharon Cuneta ay malalaman agad sa social media pertikular sa kanyang Facebook at Instagram account. Wala siyang pinagkaiba sa mga millennial ngayon.

Mula sa hugot, utot…este, emote, pagkain at kung anik-anik pa ay ipinopost ni Ate Shawie.

Humahabol siya ngayon kay Kris Aquino pagdating sa pagbababad sa internet.

Mainam naman at tila nageenjoy siya sa kanyang ginagawa at parang stress reliever na rin niya ito.

Maging yong galit na hindi niya masabi laban sa kanyang kapitbahay ay nailalabas niya sa SM.

Biro nyo nga naman, isang taon na pala silang nagtitiis na mag-anak sa mga pokpokan at barenang walang humpay sa bandang taas ng kanilang tinitirhang condo unit sa Wak Wak.

Hindi raw matapos-tapos ang ginagawang renovation. Ang laging sinasabi umano ng may-ari, matatapos na ito isang buwan na lang, hanggang umabot sa isang taon na puro OPM (oh, promise me). Hehehe!

Dusa nga ito. Nagkakaroon na raw ng palpitation si Mega. Mabuti naman at mabait si senador Kiko Pangilinan. Hindi siya umaalma sa perwesyong nararanasan nila.

Aba’y kaya nga sila nag-condo para tahimik sila sa mga andar ng makina ng sasakyan sa kalsada, sa kalembang ng sorbetes ni Mang Kanor at sa sigaw na taho at pandesal ni Kuya. Hikhikhik!

Sa sobrang pagka-busy ni mega lately, hindi niya napapansin nababawasan na pala ang kanyang timbang. Hindi na niya kailangang mag-diet ng sapilitan to the point na mahilo-hilo siya dahil bitin sa lafang.

Oks na rin sila ni Gabby Concepcion, ang kanyang ex-husband at tatay ni KC Concepcion. Kung naunsyami man ang reunion movie nila ni Gabu sa Star Cinema, nagkaroon naman sila ng endorsement together na mataas ang talent fee at konting aktingan lang.

Congrats Ate Shawie!

 

MEGAN YOUNG AT KATRINA HALILI, NAGPATALBUGAN SA INTERVIEW!

Para sa nalalapit na premiere ng The Stepdaughters, nagpatikim ng patalbugan sina Megan Young at Katrina Halili sa isang maiksing interview about beauty.

Hiningan sila pareho ng tips about sa iba’t ibang klase ng skin dilemmas at natuwa ang netizens dahil simple at accessible ang mga beauty tips na ipinamahagi nila.

Si Megan, nag-share ng beauty hack na dapat ay pahiran ng yelo ang ilalim ng mata para mabawasan ang pagmumukhang puyat ng mga ito.

Nababawasan din daw ang kapit ng make up kapag puyat kaya ang payo niya, dapat ay kumpletuhin ang tulog!

Si Katrina naman, pinaalalang dapat laging uminom ng maraming tubig dahil ito ang pinakamadaling paraan para manatiling moisturized ang balat at hindi agad makitaan ng signs of aging!

Ngayon, hinihintay na ang paghaharap ng mga karakter nila sa The Stepdaughters dahil siguradong patalbugan in terms of beauty and style ang labanan sa bagong Afternoon Prime show na ito.

 

KRIS BERNAL, NAWALAN NG BAGAHE SA ICELAND

Bukod sa pagpapaiksi ng buhok, sinunod ni Kris Bernal ang pagpunta sa Iceland para i-achieve ang Northern Lights na ayon sa kanya ay matagal na talaga raw niyang gustong makita.

Mula pag-alis mula Manila hanggang makarating sa Iceland ay well-documented ito sa Instagram stories niya, patunay na excited na excited talaga ang Impostora actress sa kanyang adventure.

Kaya lang, dismayado ang aktres dahil hindi nakarating sa kanilang destinasyon ang bagahe niya. Doon daw nakalagay ang mga base layers ng kanyang damit at ang kanyang snow boots!

Talagang hassle dahil -4 ang temperature doon kaya naloka talaga si Kris.

Samantala, mapanood kaya niya ang pasabog na ending ng Impostora doon?

Kaabang-abang ang magiging kapalaran ni Rossette, at kung mananaig ba ang kabutihan ni Nimfa laban sa kasamaan niya. Wag bumitiw sa nalalapit na ending ng Impostora sa GMA!

* * *

For comments, suggestions & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 11:00-12:00 midnight, Monday to Friday. Mabalos!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply