Ate Shawie, special ang upuan sa commercial

NAG-TRENDING sa social media ang first airing sa telebisyon ng Mcdo endorsement nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Ang daming kinilig sa dalawang dating mag-asawa. Pareho raw silang fresh and young-looking sa naturang commercial. Ang kanilang mga ngiti ay sobrang cute. Talagang dapat na nga silang magkaroon ng reunion movie. Tiyak na magiging hit ito sa takilya.

Marami lang ang nakapansin sa naiibang upuan ni Ate Shawie sa naturang ad. Bakit daw naiiba? Hindi raw tuloy nagmukhang makatotohanan ang eksena.

Makikita ring may kalakihan ang special na upuan ni Mega, at ang sabi pa nga’y nilagyan daw ito ng foam para malambot ang pag-upo niya.

Well, hindi naman pwedeng sakto lang sa upuan si Ate Shawie. Kailangan komportable siya. Iyon nga lamang, dapat daw pinareho sana ang kulay (yellow) ng kanilang silya to make it appear na aksidente lang silang nagkita sa lugar na iyon para kumain. Pero dahil ang layo ng kulay ng kinauupuan ni Megastar, very obvious tuloy na nag-shooting lang talaga sila para iendorso ang Mcdo.

Anyway, mas marami naman ang pumuri sa kanila. Nilampaso nga raw nila ang Jollibee commercial ni Aga Muhlach. Mukha kasing haggard at tabatsingtsing pa rin si Morning. ‘Yun na!

MEGAN YOUNG AT KATRINA HALILI, NAGMATARAY SA INTERVIEW!

Para sa nalalapit na premiere ng The Stepdaughters, nagpatikim ng patalbugan sina Megan Young at Katrina Halili sa isang maiksing interview about beauty. Hiningan sila pareho ng tips about sa iba’t ibang klase ng skin dilemmas at natuwa ang netizens dahil simple at accessible ang mga beauty tips na ipinamahagi nila.

Si Megan, nag-share ng beauty hack na dapat ay pahiran ng yelo ang ilalim ng mata para mabawasan ang pagmumukhang puyat ng mga ito.

Nababawasan din daw ang kapit ng make up kapag puyat kaya ang payo niya, dapat ay kumpletuhin ang tulog! Si Katrina naman, pinaalalang dapat laging uminom ng maraming tubig dahil ito ang pinakamadaling paraan para manatiling moisturized ang balat at hindi agad makitaan ng signs of aging! Ngayon, hinihintay na ang paghaharap ng mga karakter nila sa The Stepdaughters dahil siguradong patalbugan in terms of beauty and style ang labanan sa bagong Afternoon Prime show na ito.

KRIS BERNAL, NAWALAN NG BAGAHE ABROAD

Bukod sa pagpapaiksi ng buhok, sinunod ni Kris Bernal ang pagpunta sa Iceland para i-achieve ang Northern Lights na ayon sa kanya ay matagal na talaga raw niyang gustong makita. Mula pag-alis mula Manila hanggang makarating sa Iceland ay well-documented ito sa Instagram stories niya, patunay na excited na excited talaga ang Impostora actress sa kanyang adventure. Kaya lang, dismayado ang aktres dahil hindi nakarating sa kanilang destinasyon ang bagahe niya.

Doon daw nakalagay ang mga base layers ng kanyang damit at ang kanyang snow boots! Talagang hassle dahil -4 ang temperature doon kaya naloka talaga si Kris. Samantala, mapanood kaya niya ang pasabog na ending ng Impostora doon? Kaabang-abang ang magiging kapalaran ni Rossette, at kung mananaig ba ang kabutihan ni Nimfa laban sa kasamaan niya. Wag bumitiw sa nalalapit na ending ng Impostora sa GMA!

***
For comments, suggestions & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 11:00-12:00 midnight, Monday to Friday. Mabalos! PAPAK!/ABE PAULITE

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply