Bebot kulong sa chocolate

KALABOSO ang 23-anyos na babae matapos tangkang ipuslit ang ilang paninda sa isang mall sa Sta. Cruz, Maynila.

Hawak ngayon ng Manila Police District (MPD) -Police Station 3, ang suspek na si Melissa Ravina Rodriguez ng Blk. 16 Lot 11 Tanyong, Malabon City at nahaharap sa kasong theft dahil sa reklamo ni
Louis Habejan, 35, civilian guard ng SM San Lazaro sa F. Huertas St., Sta. Cruz, Manila.

Sa imbestigasyon, alas-7:30 ng gabi nang pumasok sa mall ang suspek at nagkunwang customer at
dinampot ang mga produkto at inilagay sa kanyang shoulder bag na nagkakahalaga ng P1,059 bago mabilis na lumabas ng mall.

Kabilang sa nasabing produkto ang tsokolate, shoes cream at hikaw.

Lingid sa kaalaman ng suspek ay minamanmanan na siya ni Habejan at nang palabas na ito ay agad siyang sinita at hiningan ng resibo subalit wala itong maipakita dahilan para siya ay bitbitin sa security office bago iturn over sa pulisya. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply