Buhay pa ang following nina Sharon at Gabby!

MATUTULOY na siguro ang napabalita noon na magkakaroon ng reunion movie ang dating mag-asawang Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Ang Star Cinema ba ang napaulat na magpo-produce ng re-team up movie?

Dahil kaya wala namang ebidensya noon na may sabik pang mapanood sa isang pelikula ang matagal nang hiwalay na mga magulang ni KC Concepcion kaya wala sa kalendaryo ng Star Cinema ang Sharon-Gabby reunion film?

Puwes, sa reaksyon ng madla sa ginawang commercial nina Sharon at Gabby para sa McDonald, may ebidensya nang gusto po ng madla ang Sharon-Gabby movie loveteam.

Nag-post si Sharon sa Instagram n’ya [@reallysharoncuneta] nung Friday ng umaga ng video nila ni Gabby na nagse-selfie during a break in the taping of the commercial. By 9:30 pm of that day, umabot na sa 274, 556 ang views ng posting na yon. Maaaring more than half-a-million na habang binabasa n’yo ito. Kung may Instagram kayo, pwede n’yong ma-open ang Instagram ni Sharon.

Bukod sa Instagram, may Facebook account din ang megastar: officialsharon naman ang gamit n’ya sa FB. Ang huling na-view namin du’n ay ang video ng tiyahin ni Sharon na si Helen Gamboa na, ayon kay Sharon, ay paulit-ulit na pinapanood sa You Tube sa isang mobile phone ang commercial na ginawa nilang dating mag-asawa. At lagi naman daw lumuluha si Helen tuwing pinapanood ang commercial, pagtatapat ni Sharon sa Facebook page n’ya.

Pinagbibilinan na nga ni Sharon ang pinsan n’yang si Ciarra Sotto na huwag na munang pahawakin ng kahit ano’ng gadget ang mommy n’ya para hindi ito iyak nang iyak.

Heto nga pala ang mahabang pahayag ni Sharon sa Instagram n’ya nung video nila ni Gabby na nagsi–selfie. Sa simula ay parang kinakausap n’ya si Gabby:

“God bless our renewed friendship and may we truly learn to forgive as we say we do, and keep only all the good that we shared for the next 100 years.

“Our baby girl is happy. She is also in disbelief. And also as thankful as I am that apart from all the blessings that God has always showered us two together with, this reconnection with you has been His biggest gift.”

Pagkatapos ay ang fans naman nila ang pinasalamatan ng megastar.
“Thank you to all Gabby-Sharon fans, old and new. From the bottom of our (blooming daw—hahaha!) heart.

“And, yes, hang in there. This MAY just really be ONLY THE BEGINNING.”

Talaga pong naka-capital letters yung mga salitang yon sa mensahe ng megastar. At ibig sabihin ng pagbibigay-diin (emphasize) na yon ay umaasa pa rin si Sharon na simula lang yon, at pimosibleng magkakaroon pa sila ni Gabby ng iba pang projects, halimbawa nga ay pelikula.

Kinausap din ni Sharon ang malawak na madla sa kanyang Instagram.

“Hello EVERYONE. We are Gabby and Sharon/Sharon and Gabby. Google us if you are too young to have loved us two forever. Ask your older relatives and friends about us. We might still be just what you all needed, could learn a thing or two from, especially in this day and age. We love you.”

Si Gabby rin nga pala ay ipinost din ang video na yon sa kanyang Instagram [@concepciongabby). By 12:30 AM ng Sabado, nakatanggap na yon ng 132, 090 views. Baka half-a-million views na rin yon ngayon.
Star Cinema, handa na ba kayo? SHOWBYTES/DANNY VIBAS

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply