Cebu Pacific, sinermunan ni Speaker Alvarez

NAKATANGGAP ng sermon at binigyan ng ultimatum ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang Cebu Pacific ba agad resolbahin ang mga reklamo dito lalo sa na usapin ng delayed flights.

Sa pagdinig ng House Committee on Transportation inisa isa ni Alvarez ang mga reklamo sa airline company na dapat umanong unahin na ayusin bago ang kanilang kita.

Inihalimbawa ni Alvarez ang hindi paggamit ng Cebu Pacific ng mga tube sa tuwing magbababa ng pasahero para makatipid lamang, ang hindi pagsasauli ng terminal fee ng mga pasaherong bigong makasakay sa kanilang flight at palaging may mahabang linya ng mga pasahero at madalas na delayed flights.

Ani Alvarez, nangyari ang mga ito dahil na rin sa kapabayaan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) kaya naman maging ito ay sinabihang gawin ang trabaho na masigurong naibibigay ng mga airline company at comfort at kaligtasan na dapat nitong ibigay sa kanilang mga pasahero.

Humirit naman si Cebu Pacific President Lance Gokongwei na kanilang inaayos ang sistema at inaasahan nilang luluwag na ang domestic flights sa oraa na mailipat sa Clark International Airport ang sobra sobrang mga biyahe na hindi kayang i-acomodate sa NAIA.

Hindi naman ito pinakinggan ni Alvarez at sinabing hindi matatapos ang katwiran na ibibigay ng Cebu Pacific,ang kailangan umano ng mva pasahero ay maayos na biyahe na akma lamang sa kanilang ibinayad. GAIL MENDOZA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply