Daniel Padilla, lead role sa Marawi movie!

SWAK NA SWAK ni Julie E. Bonifacio

AGAD na binanggit ni Robin Padilla ang pangalan ng kanyang pamangkin na si Daniel Padilla para i-consider nina Direk Joyce Bernal at Piolo Pascual para sa lead role sa gagawin nilang Marawi movie project.

Nagdesisyun raw kasi sina Piolo at Direk Joyce na ang gaganap bilang sundalo sa ‘Marawi’ movie nila ay mas bata ang edad kay Robin.

“Ang sabi ni Direk Joyce, ‘Oo, sana mapayagan siya ng ABS dahil para sa Marawi naman ‘to. Para sa At higit sa lahat, kasi meron silang tinatawag silang audition, e. Sabi ko naman, ‘E, sigurado ako na ‘yung aking pamangkin, e, humble ‘yun. Kahit na sabihin natin sa kanya na mag-audition siya, gagawin niya ‘yun. Padilla ‘yun. Humble ‘yun,” diin ni Robin.

Bukod kay Daniel, suhestyon din ni Robin na si Presidente Rodrigo Duterte ay kunin nila para rin sa kanyang karakter sa movie.

“E, sana po si Mayor (Duterte) talaga, kung mabibigyan po kami ng pagkakataon. E, at nasa script po talaga. E, mas maganda sana kung si Mayor, ‘di ba? Si Mayor, ay magaling umarte naman,” lahad ni Robin.

Dagdag pa niya, “Kayang-kaya niya ‘yun. Sana, oo. Pero kung wala naman sa script, hindi naman kailangan ding ipilit natin si Mayor. Hindi naman magiging maganda para sa isang historical movie ang kumuha tayo ng kamukha lang niya. Hindi maganda ‘yun kasi buhay pa naman ang Presidente natin.Hindi nga lang magpapa-makeup ‘yun. Hahaha! Ayaw nu’n magpa-makeup,” say ni Robin.

Mula sa kikitain ng pelikulang gagawin nila ang perang gagamitin sa pagtatayo ng mga bagong istraktura para sa bagong komunidad sa Marawi. “Eto kasi ang message ni Direk Joyce, ng aming producer, si Dennis Uy, si PIolo, wala po kasi talaga silang kikitain dito. Lahat, e, ibibigay nila sa akin. Mwah-ha-ha! E, ako ang napagkatiwalaan na gagawa ng community. ‘Yun ang papel ko.”

Hindi na rin daw bago kay Robin ang pagtayo ng Muslim community dahil nagawa na niya ‘to sa Fairview. At ayon pa sa kanya, hindi naman daw mahirap gawin ‘yun. “‘Yung gusto po naming na itayayo? Malaki po. E, kasi ang isang bahay namin, ang average namin ay P500,000. Kung gusto po natin ng bahay na titirhan, e, ‘yun po talaga ang halaga. At meron na tayo diyang sukat na 100sq.m. na sinasabi po, oo.”

May pa-garden raw ang mga bahay na itatayo ni Robin sa Marawi. At hangga’t may pera sila, wala raw katapusan ang itatayo nilang mga bahay sa mahigit kumulang na apat na hektaryang lupa na bibilhin nila sa Marawi.

Anytime soon ay magsho-shoot na sila nu’ng movie at plano nila na ipalabas sa Araw ng Kalayaan (June 12). Plano rin daw nina Piolo at Direk Joyce na unahin muna na isali sa iba’t ibang international film festivals ang movie bago ipalabas rito sa atin.

* * *

Bagay na bagay kina Elmo Magalona at Janella Salvador ang role nila bilang childhood sweethearts sa “Maalaala Mo Kaya” sa ABS-CBN ngayong Sabado.

Gaganap si Janella bilang si Daisy Rosendo Angulo na sa edad na limang taon ay natagpuan agad ang kanyang first love na si Darling (Elmo). That time, pitong taon lang si Darling nu’ng makita ni Daisy bilang ring bearer sa isang kasalan.

From that moment, Daisy never stops showing interest in Darling – she would always call Darling and shouts “Darling, asawa ko!” everytime she sees him playing with his friends. Habang si Darling naman ay naasiwa sa ginagawa ni Daisy.

Along the way, nagkalayo sila at umabot ng mahigit kumulang dalawang dekada bago nila na-realized that they’re really meant for each other.

Kasama ng Elnella sa nakakakilig na episode nila sa MMK sina Yayo Aguila, Karen Timbol, Hiyasmin Neri, Krystal Mejes at Marc Santiago sa direksyon ni Raz dela Torre at sinulat ni Mae Rose Balanay.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply