Dapat mag-acting workshop na muna!

UNCUT ni Alex Brosas

WHEN Marian Something inked another contract with GMA-7 it was obvious that netizens were not happy.

Well, some lang naman.

For them kasi, hindi na effective ang Primetime Queen moniker ng GMA-7, the number two network in the counry, for Marian.

“Bargain na ito flop kase last series.”

“May hit shows pa ba sya????”

“Wala na siyang hit show. In fact, pansahog na lang sya. She cannot carry a show on her own. Sana naman, GMA would enforce on her a rigid acting workshop esp in proper delivery of lines. As i’ve said before, she ruins a show when she opens her mouth. Unfair to kapuso viewers who want quality acting instead of mediocrity. She owes it to the audience bec she is being paid well to act.”

“Congrats Queen Marian , more flop tv shows to come!!!”

“She’s really sexy but I wonder why she hasn’t been into blockbuster movies. Even her teleseryes are not that hit.”

“Kung kumikita ang gma ok lang. pero lahat halos ng serye nya recently flop. good luck na din. wala rin syang choice.”

“Sana kasama sa kontrata na galingan din ang pag arte. tagal mo na madame. walang improvement.”

“Marimar lang ung nag hit na teleserya nya then wala na pati movies waley rin… no other options nmn sya kung di sa gma lang mag iinarte ba pa.”

“Si marian talaga ung goals mo pagdating sa mukha, body and family nya pero un nga, di na mataas ratings ng shows nya and pati movie nya di rin naghihit noon, yes, pero ngayon, hindi na talaga.”

Those were the netizens’ hanash against Marian which came out sa isang popular website.

Naku, ginaganyan ninyo si Marianita, eh, Primetime Queen ‘yan ng Siyete.

* * *

Alden Something’s fans bashed Maine Something’s supporters on Twitter.

Talagang ayaw paawat ng magkabilang panig, walang gustong magpatalo sa kanila.

“Sabihin na nating, hindi sya ganun kasikat pre-aldub pero may pangalan na sya, may billboards, may endorsements. E si yaya, kilala nyo ba sya pre-aldub. Kahit nung nasa EB na sya, hindi sya kilala as Maine Mendoza. She was just the “yaya dub” of lola nidora,” wailed one Alden fan.

“They say mas nakinabang daw si A kasi mas mayaman pamilya ni YD before AD at hindi kailangan ni YD ang pera. They’re always talking about social status. Matapobre logic, pang social climbers talaga,” one guy opined.

Actually, nagkatulungan ang dalawang Kapuso stars. Pareho silang nakinabang sa kanilang love team.

Sadly, binasag ni Maine ang ilusyon ng fans when in an open letter ay sinabi niyang friends lang sila ni Alden. Gumuho ang ilusyon ng AlDub fans. Para silang sinabuyan ng asido sa mukha, para silang binuhusanng malamig na tubig.

Palaos na ang AlDub. Hindi na sila click. Tingan n’yo nga, until now, February na pero hindi pa maumpisahan ang movie nilang dalawa, eh, sabi ng taga-GMA nung May last year ay kailangan nang tapusin ang kanilang teleserye dahil may gagawin silang movie. Anon’ng petsa na, waley pa rin kasiguruhan ang movie nila, parang nasa drawing board pa rin.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply