Dark horse si Cathy Garcia Molina sa Movie Director of the Year ng PMPC!

AS IF ni Alwin Ignacio

BEST in payanig at best in pasabog talaga ang Philippine Movie Press Club (PMPC) dahil nga ang opisyal na listahan ng mga nominado para sa kanilang ika-34 Star Awards For Movies, talagang pinag-uusapan sa buong showbizlandia. Iba pa rin ang estrella powers nila, huh!

Ang Gabi Ng Parangal ay gaganapin sa ika-18 ng Pebrero, 2018, sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila.

Ang mga hosts, pawang mga istariray, sina Judy Ann Santos, Kim Chiu, Julia Barretto, Xian Lim at Enchong Dee, at anchor si Iza Calzado.

Ang mga performers, pawang kilala naman kahit paano, Jona, Mark Santos, JBK, Neil Perez, Zeus Collins, Tanner Mata, Jameson Blake, Maris Racal, Loisa Andalio, Grae Fernandez, AC Bonifacio at Louise delos Reyes.

Ang Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award ay si aktres-direktor Gina Alajar at ang Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera Lifetime Achievement Award ay tatanggapin ni Director Tikoy Aguiluz.

Kamusta naman ang mga nominado? Sa Movie of the Year, may walong nominado. Ang walang dudang maglalaban-laban lang dyan ay “Love You To The Stars And Back, ” “Seven Sundays” at “Unexpectedly Yours.” Ang diva that you love ang kutob na magwawagi, ang “Seven Sundays.”

Masaya ako na ang kaibigan kong si direk Julius Alfonso ay nominado bilang Movie Director of the Year para sa Deadma Walking. Sure akong siya, maging si Loy Arcenas (Ang Larawan) at Sigrid Andrea Bernardo (Kita Kita) ay pawang uuwing mga luhaan.

Ang diva that you love’s kutob, it’s Cathy Garcia Molina para sa Seven Sundays.

Better luck next time na lang kay Jason Paul Laxamana at Paul Soriano.

Siempre, kahit pa nga sinasabing burado na dapat ang categories at classification na indie movie at mainstream movie, ang PMPC, hindi magpababasag sa kanilang trip, may walong nagpapatigasan pa rin sa kategoryang Indie Movie of the Year.

Shoo in winner na rito ang “Bhoy Intsik” (Frontrow Entertainment). Ang maaring maging winner by a long shot, ang Respeto. ilms, and hindi na rin ako mabibigla na si direk Joel Lamangan (Bhoy Intsik) ang movie direktor of the year.

Sa Movie Actor of the Year, ang mag-eeskrimahan in major, major way ay sina Dingdong Dantes (Seven Sundays), Raymond Francisco (Bhoy Intsik), Joshua Garcia (Love You To The Stars And Back) at Aga Muhlach (Seven Sundays).

Ang pinakamalaking pagtataka ko talaga, bakit kaya hindi nominado si Joross Gamboa para sa Deadma Walking? Bakit hindi rin nominado si Paulo Avelino sa I’m Drunk, I Love You? Pero si Vic Sotto, nominado para sa Meant o Beh. Paki-explain.

Kung sino man ang mananalo kina Kim Chiu (The Ghost Bride), Sharon Cuneta (Unexpectedly Yours) at Jennylyn Mercado (All Of You), hindi ako magtataka.

Pero pag si Maja Salvador (I’m Drunk, I Love You), Joana Ampil (Ang Larawan) o Iza Calzado (Bliss) ang nagwagi bilang Movie Actress of the Year, iyan ang kataka-takang paano nakalusot.

Pag hindi si Ku Aquino o Arnold Reyes mula sa Birdshot ang mananalong Movie Supporting Actor of the Year, sure na sure na si Enrique Gil (Seven Sundays), si Matteo Guidicelli (Can’t Help Falling In Love) ang magwawagi. Pag Edgar Allan Guzman (Deadma Walking) ang pangalang tinawag sa gabi ng parangal, change is happening indeed sa PMPC.

Sa movie supporting actress of the year, dapat ang maglalaban lang diyan, sina Jasmine Curtis Smith (Siargao), Chai Fonacier (Respeto)

Odette Khan (Bar Boys) at Dimples Romana (Deadma Walking). Pag may ibang nanalo, paki-tanong na lang sa buwan kung bakit.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply