Departamentong tututok sa human settlement, oks sa Kamara

POSITIBO ang House of Representatives na matutugunan na ang problema sa pabahay matapos maaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 6775 o ang pagtatatag ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHUD).

Sa botong 193-6 ay naipasa sa plenaryo ang pagtatatag DHUD o ang panukalang batas na naglalayong pagiisahin na ang Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) at ang Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB).

Sinabi ni Housing and Urban Development Chairman Alfredo Benitez na hindi lamang problema sa pabahay ang nais na solusyunan sa pagtatatag ng DHUD sa kundi pati na rin ang kinakailangan na community services tulad ng education, health, culture, welfare, recreation, food at nutrition ay matututukan.

Ang nasabing ahensya ang siyang tanging mangangasiwa para sa pagpapaplano at paglalatag ng polisiya, magre-regulate, makikipagugnayan at magmo-monitor sa lahat ng problema sa housing kasama na dito ang problema sa abot-kaya at accessible na housing program.

Tulad ng ibang kagawaran, pangangasiwaan ang bagong ahensya ng isang Secretary, mga undersecretaries at assistant secretaries.

Umaasa naman ang kongresista na ito ay agad ding maaaprubahan sa Senado bilang ito ay kabilang sa priority measures sa ilalim ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).

Aminado si Benitez na bagamat may mga pabahag program ang gobyerno ay hindi ito natitirhan dahil walang maayos na pangangasiwa at kadalasan ay nailalagay ito sa malayong lugar na walang supply ng tubig, kuryente at walang oportunidad sa trabaho, sa tulong umano ng DHUD ay sisiguruhin nito na ang pabahay program ay magiging maayos. GAIL MENDOZA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply