Digong ayaw nang magsibak ng opisyal

UMAASA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na wala ng mga opisyal ng pamahalaan na sisibakin niya sa puwesto dahil sa alegasyon ng pang-aabuso sa public funds.

“I have fired several and I hope I would not have to do it again because I do not like it,” ani Pangulong Duterte sa kanyang naging talumpati sa Oath Taking ng mga Newly-Appointed Officials sa Rizal Gall, Malakanyang.

Binanggit ng Chief Executive sina dating Commission on Higher Education (CHED) chairperson Patricia Licuanan na nagbitiw sa puwesto noong nakaraang buwan dahil sa alegasyon ng sobra-sobrang foreign travels at pagde-delay sa pagpapalabas ng allowance at subsidies para sa CHED scholars.

Tinukoy din ng Punong Ehekutibo ang kaso ni Marcial Amaro III, dating administrador ng Maritime Industry Authority (MARINA) na sinibak din sa puwesto dahil sa napakaraming biyahe sa ibang bansa at ang non-renewal of appointments nina Social Security System chairman Amado Valdez at SSS Commissioner Jose Gabriel La Viña.

“I am not ready to say that they have sinned against the government. But maybe I’ll just say that there’s always a time to be in government and to be not in government. But what is very important today is that we have also with us the illustrious Filipinos who would be responsible in guiding this country into the future,” ani Pangulong Duterte. KRIS JOSE

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply