Digong, sa Davao City magdiriwang ng Araw ng mga Puso

SA Davao City mag-Valentine’s day si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ito ang kinumpirma ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go.

Wala namang ibinigay na iba pang detalye si Go sa kung ano ang plano ni Pangulong Duterte ngayong Araw ng mga Puso.

Matatandaang noong nakaraang taon ay sa bukid sa Carmen nag-Valentine’s day si Pangulong Duterte kasama ang kanyang pamilya.

“Sa bukid sa Carmen mag Valentine’s Day si PRRD (President Rodrigo Roa Duterte) with family,” ayon kay Go.

Malinis ang iskedyul nito sa kahit na anumang public events. KRIS JOSE

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply