Duterte ayaw sa tamad at kurakot na pulis

HINDI papayag si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na may mga pulis na tatamad-tamad, kukuya-kuyakoy at mga kurakot.

Kaya nga, kinalampag at binalaan ni Pangulong Duterte ang mga alkalde at gobernador sa Cebu pati na rin ang mga pulis na huwag matulog sa pansitan sa patuloy na pagresolba sa problema ng droga sa lalawigan.

Inatasan pa niya ang mga opisyal na agad na ipagbigay alam sa kanya ang pulisya na hindi tatalima sa kanilang trabaho.

Tila ipinaalala naman ni Pangulong Duterte sa mga alkalde at gobernador na ang Cebu ang nananatiling may pinakamataas na kalakalan ng iligal na droga at nakontamina pati ang mga pulis.

Sa kabilang dako, hindi nakaligtaan ni Pangulong Duterte na talakayin ang usapin sa pederalismo at sa terorismo.

Nagpahayag naman ng pagsuporta ang mga dumalo kung saan para sa kanila ay isa itong magandang pagkakataon na makakuha ng mas malaking share ng buwis ang mga lokal na pamahalaan kung federal system ang pamahalaan.

Sa ulat, iginiit ni Liloan Mayor Christina Frasco na malaki ang maitutulong ng pederalismo sa pagbibigay nila ng mas marami pang magagandang serbisyo sa publiko. KRIS JOSE

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply