Duterte dinepensahan ng mga kaalyado

TODO depensa ang mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kamara matapos aminin mismo ng Pangulo na isa nga itong diktador.

Para kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas, hindi naman masasabing diktador ang Pangulong Duterte dahil iba ang depenisyon ng pagiging diktador, aniya ay dictator ay pagkakaroon ng absolute powers kung saan walang maaaring pumalit sa kanyang posisyon.

Dagdag pa ni Farinas na masasabing diktador lamang si Pangulong Duterte sa tamang conduct o asal ng isang public servant, mahigpit at authoritative umano ang Pangulo lalo sa kanyang cabinet members upang masigurong naipatutupad ng maayos ang programa at polisiya ng gobyerno at patunay na rito ang pagpapatalsik sa ilang cabinet members na nasangkot sa korapsyon at katiwalian gayundin ang pagsasaayos sa tamang pagbiyahe sa labas ng bansa.

Giit naman ni House Speaker Pantaleon Alvarez na ang mga kritiko ni Pangulong Duterte ang tunay na dictator.

Sinabi naman ni PBA Partylist Rep Jericho Nograles na nagiging totoo lamang si Pangulong Duterte sa kanyang mandato bilang punong ehekutibo ng bansa.

Walang nakikitang issue si Nograles sa naging pahayag ng Pangulong Duterte na maaari siyang tawagin bilang “diktador” dahil sa style of governance nito.

Binigyan naman ng ibang kahulugan ngayon ni AKO Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe ang katagang “diktador.”

Ayon sa nasabing kongresista, maituturing si Duterte na diktador kung ang kahulugan na raw nito sa kasalukuyang panahon ay ang pagkakaroon ng political will at guts. GAIL MENDOZA

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply