Erap pa sa 2019

MULING sasabak sa darating na halalang 2019 bilang alkalde ng Maynila si Manila Mayor Joseph Estrada.

Ito ang tiniyak ni Estrada kasunod ng mga alingaw-ngaw na hindi na ito tatakbo pa dahil hindi na nito kaya pang mangampanya at si dating Senator Jinggoy Estrada ang papalit sa kanya.

“Walang makapipigil sa aking pagtakbo uli dahil marami pa akong dapat na tatapusing proyekto sa lungsod bago ako magretiro sa politika,” ayon kay Estrada.

Dagdag pa ng alkalde, hindi aniya magbabago ang kanyang paninindigan at di maaaring talikuran ang kanyang pangako sa mga mamamayang Manilenyo na maibalik ang sigla at ningning ng lungsod.

Magiging ikatlong termino na bilang alkalde ng siyudad ni Estrada. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply