Free irrigation Law, nilagdaan ni Duterte

HINDI na kailangan pang magbayad ng irigasyon ang lahat ng magsasaka sa bansa upang makakuha ng tubig sa pananim dahil nilagdaan na ni Pangulong Duterte ang Free Irrigation Act, ayon kay Senador Cynthia Villar.

Sa pahayag, sinabi ni Villar na noong Pebrero 2, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 10969 kung saan hindi na kailangang bayaran ang irrigation service ng lupa na hanggang walong ektarya.

“Now that free irrigation service has been institutionalized and made permanent, our farmers can now be assured that they are not going to pay for irrigation services, saving on their cost of production,” ani Villar.

Sinabi pa ng Nacionalista Party senator na noon pang 2017, tumatanggap na ang mga magsasaka ng libreng irigasyon dahil sa P2 bilyong pondo sa 2017 General Appropriations Act (GAA) at P2.6 bilyon pondo sa 2018 GAA.

Ayon kay Villar, chair of the Senate Committee on Food and Agriculture and principal author of the bill, ang libreng free irrigation ay isa sa mga reporma ng kailangan upang mapabuti ang pakikipagkumpetensiya ng sektor ng pagsasaka.

Idinagdag pa ni Villar na ang libreng irigasyon para sa maliliit na magsasaka ang tamang tugon sa projection ng United Nations Food and Agriculture Organization na sa 2050. ERNIE REYES

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply