Free Tuition Law ngayon pa lang magiging epektibo

NGAYONG taon pa lamang magiging epektibo ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act o Free Tuition Law.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na noong 2017, tanging ang tuition fee pa lamang ang libre kung kaya mayroon pa ring mga binayaran ang mga estudyante.

Aniya, nasa ilalim kasi ng 2018 National Budget ang pondo para sa Free Tuition Law na dahilan din aniya kung bakit ngayong taon pa lamang ito ganap na maipapatupad.

Bukod dito,  hindi pa maipapatupad ang nasabing batas sa lahat ng pampublikong pamantasan at kolehiyo dahil hindi pa aniya ito fully implemented sa unang isang taon.

Aniya, kung hindi pinahanapan ng paaran ni Pangulong Rodrigo Duterte, muntik nang hindi maipasa ang Free Tuition Act dahil hindi aniya sumang-ayon ang economic team na lagdaan ito ng chief executive.

Simula ngayong 2018, sa pamamagitang ng nasabing batas, inaasahang libre na ang tuition fee sa State Universities and Colleges (SUCs), Local Universities and Colleges (LUCs), asin state-run-technical-vocational schools. KRIS JOSE

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply