Gustong i-try ang indie movie…

ADORE-ABLE! ni Ador V. Saluta

SI Bela Padilla ang pansamantalang sumalang sa “It’s Showtime” as co-host dahil wala si Vice Ganda. Kasalukuyang nagpapagaling si Vice dahil sa operasyon nito last Saturday. Tinanggal ang kanyang kidney stones na naging sanhi ng iniinda nitong abdominal pains lately. Magrireport si Vice sa It’s Showtime kapag fully recovered na ito.

Last Monday, February 5, game na game sa pagsali sa Fun-anghalian segment ng programa ang aktres. Ganado rin niyang inimbitahan ang kanyang mga co-hosts na sina Vhong Navarro at Billy Crawford na umattend ng premier night ng kanilang movie “Meet Me In St. Gallen,” scheduled on February 6 at Cinema 7 ng Trinoma.

Halos lahat na yata nang kakilalang celebrities ni Bella ay kanya nang inimbita para sa suporta?

Maging sina Angel Locsin daw at si Neil Arce, na kanyang ex ay kanya rin daw iimbitahin sa premier night ng knilang movie?

“Yes, I will talaga! Pag malapit na.” tugon ni Bela sa tanong kung papupuntahin niya ang dalawa (Neil at Angel)?.

“Kasi alam kong busy na tao si Angel. Ang dami niyang trabaho. Si Neil rin merong movie with Direk Joyce.

“Pero kasi, alam kong barkada rin nila si Direk Joyce [Bernal], si Direk Irene [Villamor], si Papa P [Piolo Pascual], si Erickson [Raymundo].

“So ayokong mailang sila [Angel and Neil] na baka gusto nilang suportahan itong mga ito [Joyce, Irene, Piolo and Erickson] pero baka iniisip nila ako.

“Kaya ako na mismo ang magte-text pag malapit na,” pahayag ni Bela .

The movie is directed by Irene Villamor at produced ng Viva Films at ng Spring Films nina Joyce Bernal, Erickson Raymundo at Piolo Pascual

Wala naman daw isyu si Bela kina Neil (na ex-boyfriend ni Bela) at Angel (na girlfriend ngayon ni Neil).

“Wala po akong isyu sa buhay ngayon,” pag-amin niya.

* * *

Monday, February 5, pumirma ng 3-year exclusive contract ang aktres na si Marian Rivera sa GMA Network kasama ang kanyang manager na si Rams David ng Triple A talent arm. Sa panayam sa aktres na ginanap matapos ang contract signing, sinabi Marian na bukas ang kanyang pinto na gumawa ng bagong pelikula sa taong ito.

Aniya, “Sana gusto ko, gagawa talaga kasi sabi ko parang yun na lang yung kulang sa akin.

“Parang na-miss ko gumawa ng movies, so magta-try kami this year.”

Noong 2014 pa huling napanood ang Kapuso actress para sa pelikulang My Big Bossing’s Adventures kasama sina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon.

Ang asawa niya na si Dingdong Dantes ang humihikayat sa kanya na gumawa muli ng pelikula.

Kuwento ni Marian, “Actually, yung asawa ko yung isa sa nagpu-push sa akin na, ‘Bakit di ka gumawa ng pelikula? Mag-indie ka, mag-ganito ka.’

“Kasi dati parang sarado yung isip ko sa ganun, parang sabi ko, ‘Ay, ayoko nun, parang hindi ko kaya.’

“So isa siya sa mga dahilan kung bakit na-open din yung isip ko, bukod sa management ko na, ‘Ay, oo nga ‘no? Bakit di kaya ako mag-try ng something new naman na movie,’ pang-Cinemalaya, mga indie films.”

Tinanong din ang Kapuso actress kung nais ba nitong makatrabaho ang kanyang ninang sa kasal na si Sharon Cuneta.

Kamakailan lang ay naging viral ang pabirong hamon ng Megastar kay Marian na magkaroon sila sa isang singing showdown.

Hindi naman nagdalawang-isip sabihin si Marian na sabihin isa ito sa kanyang mga pinangarap, ang makatrabaho ang megastar na si Sharon.

“Ay gusto ko ‘yan, siyempre yung mga talagang beterana at napakahusay na artist.

“Sino ba namang hindi gusto makasama ang mga ganyang artista, ‘di ba? Pangarap yan, nasa bucket list ‘yan.”

Ang isa pang nais niyang makatrabaho sa pelikula ay si Vilma Santos, ang ninang niya sa kasal at Lipa City Congresswoman.

“Si Ate Vi rin, oo ninang ko din yun, mga ninang ko sila. Malay mo naman, magdilang anghel kayo at makagawa ako ng pelikula kasama sila.”

Natanong din si Marian kung papayag ba itong makapareha ang mga leading men mula sa ibang TV network para sa pelikula.

Sagot naman nito, “E, mahirap pangunahan ang wala pa pero kung meron at may pagkakataon, bakit naman hindi, ‘di ba?”

Sa huli, sinabi ni Marian na kakailanganin din nitong tanungin si Mother Lily Monteverde ng Regal Films.

Tinanong din si Marian kung sino sa mga Kapuso talents ang napabibilib siya kapag napapanood ito.

Sagot ni Marian, “Actually, ang nakikitaan ko talaga na sinasabi ko, tuwing magkasama kaming dalawa, si Barbie [Forteza] talaga.

Kasi very transparent din yung bata, mahal din niya yung trabaho niya, mapagmahal siya sa pamilya niya. At ang trabaho sa kanya, trabaho talaga,” pag-amin niya.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply