HARD-WORKING POLICE GENERALS

KUNG pag-uusapan ang popularidad, walang dudang ‘run-away winner’ si PDG Bato dela Rosa sa kasalukuyang hanay ng Pambansang Kapulisan. Sa halos araw-araw, siya ang laman ng balita – nababasa sa mga diaryo, napakikinggan sa mga radio at napanonood sa mga telebisyon.

Makukuwestyon pa ako kung ‘di ko sasabihing kaya sikat si Gen. Bato ay dahil siya ang boss ng mahigit 160 strong member ng PNP.

Pakiwari ko, plus factor lang ang pagiging PNP chief. Ang talagang susi ng tinatamasang popularidad ay ang kanyang pagiging ‘hard-worker.’

Ang ugaling ito ni Gen. Bato ang marahil naging basehan at sangkalan ni Pangulong Duterte para palawigin ang kanyang pagiging PNP chief.

Imbes na noong Enero 21 magreretiro, si Gen. Bato ay patuloy na pamumunuan ang PNP hanggang sa Abril, ayon sa utos ng Pangulo.

Speaking of popularity, tulad ni Gen. Bato, si NCRPO director Oscar ‘Oca’ Albayalde ay araw-araw ring laman sa mga media report. Tulad ng butihing PNP boss, ang pagiging pinuno ng NCRPO o Metro Manila Police Force ay importanteng aspeto kaya nakamit ang popularidad.

Pero higit sa posisyon bilang Metro police head, ang kanyang ‘di matatawarang ‘hard-working’ attitude ang nagpakinang sa kanya kaya sumikat.

Isa sa mga police general din na hinahangaan natin dahil sa kanyang pagiging ‘hard-worker’ ay si QCPD director Chief Supt. Guillermo Eleazar.

Darling of the press kung tawagin ito ng mga mamamahayag dahil sa magaling na pakikitungo sa mga miyembro ng fourth state. ‘News maker’ din kung ituring ang QCPD chief dahil accessible ito sa pagkukuwento ng mga programa’t proyekto ng PNP.

Kung bakit tinawag na ‘hard-working’ general, ika nga ng CPD Press Corps, “Gen. Eleazar’s accomplishment as QCPD chief speaks for himself.” Maraming ‘hard-working’ police generals kaya nga lang, ‘di nararamdaman ng maraming Mang Juan at Aling Maria, isa na ako roon.

Sina Generals Bato, Albayalde at Eleazar, dapat silang pamarisan.

121 KRIMINAL NALAMBAT NG MALABON PS

Tila ayaw paawat ang Malabon PS sa anti-crime operation dahil sa ginawang operasyon kamakailan ay natiklo ang 121 lawbreakers.

Sa isa pang operasyon, nadakip ang isa sa most wanted criminal na si Jojit Alcarez na nasukol sa kanyang lungga sa Potrero, Malabon. CHOKEPOINT/BONG PADUA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply