Hiling ni Taguba pinaboran ng korte

PINABORAN ng korte ang mosyon to defer arraignment ng kampo ni customs broker Mark Taguba laban sa kanya.

Dahil dito, ipinagpaliban ng Manila Regional Trial Court (RTC) sa sala ni Judge Rainelda Estacio-Montesa ng Branch 46 ang pagbasa ng sakdal kay Taguba sa Pebrero 23.

Sa ilalim ng rules of court mayroong 60 araw para ituloy ang arraignment simula nang isampa ang kaso.

Suot ni Taguba ang bullet proof vest nang dumalo sa pagdinig sa korte habang in-eskortan ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) kung saan ito nakaditine. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply