Inip na inip na!

SWAK NA SWAK ni Julie E. Bonifacio

NABABAGOT na si Sunshine Cruz sa napakabagal na solusyon sa pagpapawalang-bisa ng kasal nila ng estranged husband niyang si Cesar Montano. Apat na taon na rin ang inabot nang pagdinig sa korte ang annulment case nila ni Cesar.

Wish naman ni Sunshine na maaprubahan na sa Kongreso ang bill na magpapabilis sa pagdinig sa korte ng annulment case.

“Kailan pa? My goodness gracious! Ang dami ko ng puting-buhok, wala pa rin,” himutok ni Shine nu’ng makausap namin sa finale presscon ng Kapamilya teleserye na “Wildflower.”

Not for anything, may kani-kanyang buhay na raw sila ni Cesar at hindi naman lingid ‘yun sa publiko.

“Eto na lang, para sa 101 % freedom namin, eto na lang talaga ang kailangan para makapag-move on completely. Sabi ko nga, e, imbitahin ko kayo sa freedom party ko kapag nangyari ‘yun,” seryosong biro ni Sunshine sa amin.

Gaya ni Sunshine, hindi pa rin annulled ang kasal ng boyfriend niyang si Macky Mathay sa ex-wife ng half-brother ni Ara Mina. Dahil dito, malayo pa sa isip niya ang usaping kasal sa kanila ni Macky.

“Ang naiiisip ko pa lang muna, e, ma-nullify muna ang mga dapat ma-nullify ‘di ba? Kasi ang pagpapakasal naman, e, madali lang ‘yan, ‘di ba?”

Thankful siya sa ABS-CBN dahil sa tiwalang ibinibigay sa kanya. Ayon kay Shine, ang ABS-CBN daw ang nagbalik ng self-esteem niya.

Kung ang ABS-CBN anng nagbalik ng kanyang self-esteem, we asked her kung ano naman ang ginawa ni Macky sa buhay niya.

“It’s just safe to say na kung sinuman ang mga parte sa buhay ko ngayon, masayang-masaya ako. Dahil hindi lang ako minamahal at tinatangggap, kundi tanggap din ‘yung past, present ko, at mahal na mahal ang mga anak ko. ‘Yun ang importante.”

Samantala, tutukan ang nalalapit na pagtatapos ng “Wildflower” na pinagbibidahan ni Maja Salvador. Marami pa raw “pasabog” ang teleserye nila.

* * *

Produkto pala isang beauty pageant ang aktres na si Angel Locsin. That we’ve learned from the organizers ng Miss Caloocan 2018 sa press presentation nila na ginanap sa Bulwagang Katipunan sa bagong Caloocan City Hall last Thursday.

Naging Miss Caloocan ang aktres gamit ang tunay niyang pangalan na Angel Colmenares. Bukod kay Angel, naging Miss Caloocan din daw si Aubrey Miles at ang dating Congresswoman na si Mitch Cajayon.

This year, gaganapin ang 67th annual search for Miss Miss Caloocan and the 5th year under the leadership of Caloocan City Mayor Oscar G. Malapitan sa ilalim nang pamamahala ng kanilang Cultural Affairs Tourism Office (CATO) in cooperation with Caloocan and Toursim Foundation (CCTF).

Ang mananalo sa Miss Caloocan Beauty Pageant ang siyang magiging kinatawan ng lungsod sa iba’t ibang event at cause-oriented activities.

Nagkaroon naman kami ng chance na makausap ang punung-abala sa pa-event ni Mayor Oca Malapitan na Miss Caloocan 2018, walang iba kundi ang bunso niyang anak na si Kat Malapitan-Mendoza.

Kwento ni Ms. Kat, empleyado sa CATO ngayon ang kauna-unahang Miss Caloocan na kinoronahan noong 1980.

“Nag-start ang Miss Caloocan nu’ng 1951 but as fund raising. Parang kung sino ang pinakamaraming boto, through ballots, ‘yun ang winner. Pero ‘yung contest, as in beauty pageant talaga, parang nag-start merely noong 1980, e,” say ni Ms. Kat.

Magaganap ang grand coronation night ng Miss Caloocan 2018 sa City Sports Complex on February 24 at may live telecast sa TV5.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply