KAPAG TUMAAS ANG SSS KONTRIBUSYON TATAAS DIN ANG MGA BENEPISYO NG MGA MIYEMBRO

KARAMIHAN ng mga miyembro ng Social Security System (SSS) ay nagbabayad sa P10,000 MSC kaya P300 ang kanilang dagdag kontribusyon sa ilalim ng pension reform agenda ay paghahatian din ng employer at employee.

“Dapat tingnan natin ang SSS hindi bilang gastos kundi ipon na magagamit ng mga miyembro sa panahon na sila ay mangailangan ng tulong at lalo na sa kanilang pagretiro,” sabi ni Social Security Commission (SSC) Chairman Amado D. Valdez

Subalit, ipinaliwanag ni Valdez na ang planong pagtataas ng kontribusyon at MSC ay magagawa lamang sa pamamagitan ng pag-amyenda ng batas o paglabas ng executive order mula sa Opisina ng Pangulo.

Sinabi ni SSS President and Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc na kapag tumaas ang kontribusyon ay tataas din ang mga benepisyo ng mga miyembro at pensyonado dahil ang benepisyo ay batay sa tagal ng paghuhulog sa SSS at MSC.

Ipinaliwanag ni Dooc na sa ilalim ng mga repormang ito, magiging P15,300 ang buwanang pensyon ng isang retiradong miyembro na nagbayad ng 35 taon at may P20,000 average MSC. Mataas ito kaysa P12,500 na maximum pension sa kasalukuyang MSC na P16,000.

Gayundin, ang benepisyo sa panganganak para sa caesarian ay tataas ng P10,400 mula sa P41,600 ngayon ay magiging P52,000 ito. Samantala, ang mga nanganak ng normal ay babayaran ng P40,000 mula P32,000 o P8,000 dagdag benepisyo.

Ang benepisyo sa pagkakasakit ay tataas din ng P600 kada araw mula sa P480.

Panghuli, ang benepisyo sa pagpapalibing ay tataas sa P32,000 mula P29,600 para sa mga nakapagbayad ng 120 kontribusyon na may average MSC na P20,000.

Sinabi ni Dooc na muling aapela ang SSS sa Office of the President sa pamamagitan ng Department of Finance para sa aprubahan ang kanilang panukalang mas mataas na ipon at benepisyo sa SSS.

Kapag ang mungkahing pagtaas ng kontribusyon at MSC ay maipapatupad ng sabay, ang buhay ng pondo ay tatanggal hanggang 2044 mula sa kasalukuyang buhay ng pondo na 2032.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply