Kinabog ang idolo!

INSTANT sikat ngayon hindi lang sa China kundi sa buong mundo ang Pinay singer na si KZ Tandingan na kasali ngayon sa isang malaking singing competition sa China, ang Singer 2018 kung saan ang pinakasikat na contestant ay walang iba kundi ang international singer na si Jessi J.

Challenger lang si KZ at sa week 5 lang siya pumasok pero sa totoo lang, tinodo kaagad ni KZ ang kanyang unang performance as if it was her last.

“Rolling In The Deep” ang kanyang kinanta. Iniba ng areglo at talagang astig na astig siya habang kumakanta at ang nakamamangha ay nang mag-rap siya in Tagalog. Talagang binigla ni KZ ang buong Asya o ang buong mundo dahil napanonood naman ang video sa Youtube kung paano niya pinakain ng alikabok si Jessie J.

Yes, si Kz nga ang tinanghal na Top 1 sa Episode 5 na yun pero bago siya kumanta ay nakipag-usap muna siya kay Jessie at sinabi niya na si Jessie ang kanyang inspirasyon kaya niya ipinagpatuloy ang pagkanta dahil nagkasakit siya dati ng polyps. Naantig naman si Jessie at niyakap niya nang todo si KZ.

Ngayong tinalo niya si Jessie at iba pang mga kalahok (na puro Chinese sounding names), magbabago kaya ang pakikitungo sa kanya ni Jessie?

Naku, aabangan natin yan.

UNTI-UNTI NANG NATUTUPAD ANG MGA PARANGAP NI MARICAR ARAGON

Binansagan kong The Comic Diva itong si Maricar Aragon dahil sa kanyang kakayahang bumirit ng mga matataas na kanta at the same time, nagpapatawa rin siya. Marami ang aliw na aliw kapag kinakanta na ni Maricar ang awitin ni Elizabeth Ramsey, ang “Waray-Waray”.

Matindi rin ang pagsubok na pinagdaanan ni Maricar. At 15, naranasan na ni Maricar ang maloko nang mga nagpapanggap sa showbiz pero hindi siya sumuko at todo suporta pa rin ang kanyang parents sa kanya.

Fast forward. Masasabi kong unti-unti nang natutupad ang mga pangarap ni Maricar dahil nito nga lang buwan ng Pebrero ay nakailang shows and concerts siya. Nag-concert siya sa may Bataan noong isang gabi, sa Music Box, at 2 nights sa Comedor sa may Mindanao Avenue Extention at iba pang nakalinyang mga shows and concerts.

Pero sa darating na Huwebes ay iparirinig sa atin ni Maricar ang kanyang magandang tinig sa anniversary ng pahayagang ito na gaganapin sa Manila Hotel. Tiyak na kakantahin din ni Maricar ang kanyang awiting “Lumulutang Sa Ere” na mada-download na ngayon sa mga dowloading sites. Bida rin si Maricar sa isang advocacy film na “Nature Guard” na kwento tungkol sa pangangalaga ng ating kalikasan.

Yes, unti-unti na ngang natutupad ang mga pangarap ni Maricar hindi lang sa music kundi pati na rin sa pag-arte.

Samantala, binabati ko ang Pahayagang Remate on it’s (pang-ilan na ba Tito Pete) anniversary at siyempre, babatiin ko rin ng Happy Anniverary ang ating publisher na walang iba kundi si Sir Benny Antiporda. TIMMYDORA/TIMMY BASIL

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply