Marvin, pinaaamin at nadamay sa ginawa ni Mark Bautista!

SA pag-amin ni Mark Bautista ay pilit namang pinaaamin si Marvin Agustin. Bakit daw hindi nito tularan si Mark na umaming bisexual?

Sa mga actor ay hindi lang si Marvin ang pinagdudahan ang gender. Pinagdudahan din sina Piolo Pascual, Alden Richards atbp. Pero tulad din ni Marvin ay tinawanan lang nila imbes na patulan.

Matatandaan iniisyu kay Marvin si Markki Stroem na pinagtaasan lang ng kilay at tinawanan. Nakikita kasing magkasama sila sa abroad na dalawa kaya binigyan kaagad ng malisya. Pwede naman magkaibigan kaya makasama sa lakaran, ‘di ba?

Pwede sigurong sundan ni Marvin si Mark sa paggawa rin ng sariling libro. Posibleng makulay rin ang buhay ni Marvin bago ito nagsimula at hangggang ngayon sa showbiz.

Nandiyang nagsimula sa ibaba at nagsikap para umunlad. Nagtayo ng restaurant na lumago nang lumago at nagkaroon ng kambal na anak.

Ngayon isa nang successful businessman si Marvin, bukod sa magaling na actor ng bansa.

Sa panahon ngayon ay hindi na importante kung anuman ang gender ng isang tao. Basta importante ay mabuting mamamayan at mabuting ama sa anak at sa magulang, ‘di ba?

Pero bakit marami pa rin ang nagpupumilit na paamin din daw si Marvin?

****

Gusto ni Direk Joey Romero si Alden Richards ang kunin bida sa sexy horror drama movie na ididirek under BG Production pero hindi raw siya nag-expect na tatanggapin ito ng actor dahil sa rami ng mga daring scene ng pelikula.

Ayaw magpakasali ng producer na maudlot ang kanilang movie kapag kinuha nila si Alden at tanggihan.

Sina Andrea Torres at Kim Domingo sana ang makakaromansahan ni Alden sa movie na R-13 ang magiging classification nito.

Baka raw matakot si Alden sa mga daring scene na gagawin kina Andrea at Kim na pagdating sa mga maseselang eksena ay walang problema basta done in good taste.

Ang ipinalit daw kay Alden ay si Mikael Daez na kung matutuloy dahil magsisimula na sa Monday ang bago niyang TV series na The Stepdaughters. TEKA MUNA/GERRY OCAMPO

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply