Mas gumanda nang palakihin ang mga mata!

UMAASA pa pala si Ai-Ai delas Alas na sa edad n’yang 53 ay pwede pa silang magkaanak ng latest husband n’yang si Gerard Sibayan na 23-years old pa lang.

At malamang na pag nagdalantao si Ai-Ai, di n’ya ililihim yon na gaya ni Ellen Adarna. (Actually, sinabi na ni Ai-Ai na sa sandaling magdalantao siya, talagang ibabando n’ya yon).

Pero parang nakadududa na na buntis talaga si Ellen. Di kaya nagpapanggap lang siya, nagda-drama lang, na buntis siya para mapanatili si John Lloyd Cruz sa piling n’ya?

Minsan, nakadududa na buntis nga siya. Kasi nga, kung saan-saan pa rin siya nakakarating na kasama si John Lloyd.

Kamakailan lang, nag-post siya sa Instagram n’ya [maria.elena.adarna] ng litrato na nag-iinspeksyon sila ng isang lote na malapit sa dagat.

May mga gumagapang pang parang maliliit na crabs sa buhanginan sa picture na yon. Akala namin ay sa isang liblib na lugar ‘yon sa Cebu, hometown ni Ellen. Sa paglaon, napag-alaman namin na sa Palawan pala yon.

May mga babae rin naman di gaanong lumalaki ang tiyan pag nagdadalangtao. Baka nga kasama si Ellen sa mga ganu’ng babae. Baka pag kabuwanan na n’ya para magsilang ay saka lang mahahalatang buntis nga siya.

Takot na takot sigurong malaos sina Ellen at John Lloyd. Halos at least once-a-week, nagpo-post sila ng pictures sa respective Instagram nila [ang kay John Lloyd ay: ekomsi]. Minsan, interesting ang pics na ipinu-post nila, minsan hindi.

Pero alam na nilang hindi lang ang fans nila ang tumitingin sa postings nila kundi pati na ang mga dyaryo, TV networks, entertainment websites, vloggers, at yung may channels sa You Tube. Pini-pick ng mga nabanggit na traditional at new media outlets ang posts nila na interesting, kaya kahit walang showbiz projects yung dalawa, nakikita pa rin sila sa mga dyaro at sa internet o online websites ng mga network.

So post nang post ang mag-asawang hilaw ng kung anu-anong litrato nila sa Instagram. Mga litratong di maintindihan kung luma o bago.

Oo nga pala, may entertainment news website pala na naglabas ng mga litrato ni Ellen na luma na nagpapakitang singkit pala siya nung mas bata pa siya at parang napakadisente pang manamit dahil corporate pa ang trabaho n’ya nu’n.
Hindi pa showbiz.

Maganda na rin naman siya noon pa man, pero mas gumanda siya sa pinalaking mga mata n’ya. Sa PhilNews website report na yon namin napag-alaman na mga motel pala ang negosyo ng pamilya nila sa Cebu.

* * *

Hot na hot pala ngayon si Erich Gonzales: tatlong characters ang gagampanan n’ya sa bagong teleseryeng “Bloodsisters,” kapalit nang much talked about “Wildflower” ni Maja Salvador.

Talbog ni Erich si Jodi Sta. Maria–dahil dalawang characters lang ang ginagampanan ni Jodi sa Sana Dalawa ang Puso sa Kapamilya network.

At kung ang serye ni Jodi ay niri-revive ang acting career ni Edgar Mortis, ang Bloodsisters rin ay may ilang cast members na comeback-ing from oblivion, kumbaga. Ang isa ru’n ay ang kay Dindi Gallardo, isang dating Bb. Pilipinas na ilang taon ding nanirahan sa US.

Nasa pelikulang “The Significant Other” rin si Erich na iri-release ng Star Cinema ngayong February. Pag-aagawan nila ni Lovi Poe sa istorya si Tom Rodriguez, na gumaganap na doktor na napakahilig sa sex.

O, ‘di ba hot talaga si Erich ngayon na malapit na kaibigan pala ni Kris Aquino ngayon. SHOWBYTES/DANNY VIBAS

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply