Mas madatung ang mundo ng advertising!

EEEWWW ni Tonee Coraza

NABUHAYAN na naman kami ng pag-asa na posible pa ring magsama ulit sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa isang pelikula, dahil balitang nagsama ang mega-couple sa isang tv commercial ng isang fastfood chain. Ang siste, ang hindi nagawa ng movie industry at nagawa ng mundo ng advertising! Bongga!

Ang ibig bang sabihin nito ay mas mayaman na di hamak ang mga fastfood chain owners sa ating mga movie producers?

Malamang natuloy ang project dahil umoo ang naturang fastfood chain sa mega price nina Sharon at Gabby. May chism kasi na kaya na-shelved ang dapat na comeback movie ng mega-couple ay dahil nagdemand si Gabby ng P5M na talent fee.

So ang ibig sabihin lang nito ay pumayag ang naturang fastfood chain sa nakakalokang presyo ni Daddy Gabo kaya natuloy ang pairing nila sa TVC!

Well, inaabangan na nga ng lahat ang TVC na ito na isang casting coup! Sa palagay namin ay super talbog bigla ang mga kalaban na fastfood chains. Ipalalabas raw ang naturang TVC sa Valentine’s Day. Nabuhay na naman ang Sharon-Gabby fans dahil dito.

* * *

Bilib kami sa aggressive promotion ng 3:16 Events and Talent Management Company sa bagong boyband na CliqueV.

Aba, kaka-form lang ng company ay pinush na nila kaagad ang CliqueV. By November ay ni-launch na ang kanilang Christnas single na Tuwing Pasko na sinulat ng batikang songwriter at director na si Joven Tan.

Tapos ngayong February naman ay ni-launch na ang kanilang debut album kung saan ang carrier single nila na ay Pwede Ba, Teka Muna na sinulat din ni Direk Joven Tan.

May music video na rin ang kanilang carrier single na napanonood na online at sa mga tv music channels.

Puro mga catchy rin at nakai-in love nag kanilang ibang kanta sa kanilang debut album tulad ng Bakit Hindi at Magmula Ngayon.

Personal favorite namin ang kantang Ako Na Lang Sana na isang potential hit din. But wait there’s more! Kasado na rin ang kanilang first ever concert sa Feb.27 sa Music Museum.

May special guests sila sa kanilang show pero ayaw mula nilang ipaalam kasi surprise raw ito. Maski kami ay excited na silang

Napanood kasi napagaling nilang kumanta at sumayaw. Kumbaga, performance level sila palagi. At bakit hindi?

Ang The Company ang kanilang vocal couch at ang Sexbomb Dancers ang kanilang choreographer. Papasok rin sila sa larangan ng pag-arte kaya naman pinag-workshop na rin sila sa PETA mismo.

Madaling sisikat ang CliqueV kasi nga gwapo ang 7 members nito na sina Karl, Marco. Clay, Tim. Josh, Sean at Rocky na parang batang Papa P ang itsura. Mga disiplinado rin sila at totally focus sa kanilang career kaya naman lahat sila ay wala munang girlfriend at of the moment. Panay rin ang diet at workout nila sa gym.

Suki rin sila sa monthly feeding programs ni Diego Llorico tulad last Feb4 na matagumpay na ginawa sa Malibay Pasay. Pinagkaguluhan sila ng mga tao habang nagpe-perform. Aba pwede rin silang mag-guest sa Bubble Gang balang araw to test their comic skills.

Samantala, patuloy na pinasasaya at pinatatawa nang buong cast ng Bubble Gang ang mga viewers every Friday night sa GMA7. Nandyan ang regular segments na Atlit, Hapitot, Basa Basa Pik at Sumbong-Sumbong kay Bonggang Bonggang Bongbong.

Nandyan ang Di Ko Trabaho Yan gags at Lasengga sketch. As of now ay may 27 regular cast ang Bubble Gang na pinangungunahan ni Michael V.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply