Mas mura at mabilis na divorce isinusulong

KUMPIYANSA si Albay Rep. Edcel Lagman na maipapasa ng mabilis ang Divorce Bill sa Kamara.

Ayon kay Lagman na head ng Tehnical Working Group na nag-aaral para ma-consolidate ang 4 na panukalang inihain kaugnay sa Divorce na sa Marso 8 kasabay ng paggunita sa International Day for Women ay inaasahan nilang maiaakyat na sa plenaryo ang panukala para sa mabilis na proseso ng diborsyo sa bansa.

Kabilang sa consolidated divorce bill ay ang kontroberiyal na House Bill 6027 ni House Speaker Pantaleon Alvarez kung saan isa maaaring ground ng divorce ay “unhappiness” para payagan s ng korte na ma-dissolve ang kanilang kasal.

Sinabi ni Lagman na kanilang isinusulong sa divorce bill ay ang agrabyadong asawang babae ay exempted sa pagbabayad ng court fees at ang korte ang maaaring magtalaga ng abogado para i-represent ang petitioner na mula sa Intergrated Bar of the Philippines (IBP) o iba pang legal aid groups.

Itinatakda rin ng panukala na ihain agad sa korte ang summary proceedings para magkaroon agad ng kalayaan ang mag asawa lalo na kung sinasaktan ang babae

Kabilang naman ang phsychologial incapacity, irreconcilliable differences, violence at maging transgender surgery sa grounds na maaaring ipakita sakaling gusto na ng mag-asawa na maghiwalay ng legal.

Nakasaad din sa panukala na papayagan ang korte na magtalaga ng psychologist o psychiatrist na mas mababa ang halaga o libre.

Ang mga isinusulong na panukala tungkol sa diborsyo ay gagawing mas mura, mas mabilis at mas madali para sa mga mag-asawang matagal nang gusto maghiwalay bunsod ng hindi na magandang pagsasama.

Wala pa man sa plenaryo, nagpahayag na ng pagtutol si Magdalo Partylist Rep Gary Alejano.

Para kay Alejano, sisirain ng diborsyo ang kasagraduhan ng kasal at magpapahina ito sa pamilya bilang isang pangunahing institusyon sa lipunan.

“Mas marami rin maghihiwalay because divorce will be very convenient. Kawawa diyan ang mga anak,” paliwanag ni Alejano. MELIZA MALUNTAG

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply