Megadoses of kilig ang hatid ng commercial!

AS IF ni Alwin Ignacio

MARAMI ang hindi lang natuwa, kundi kinilig pa sa bagong patalastas nina Megastar Sharon Cuneta at Forever Hearthrob Gabby Concepcion na may theme song na Kumusta ka?

Perfection ang commercial, kuhang-kuha ang kaguapuhan ni Gabby na ang suot ay isang skly blue pull over. Captured rin ang kariktan ni Ate Shawie na visible na ang pagpayat dahil hindi na full moon rising ang kanyang fezlak.

Katuwa yung kunyari may pag-aalala si Concepcion kay Cuneta na maki-share sa mesa nito na ang reaksyon shot ay. “Ikaw naman, parang wala tayong pinagsamahaaan.”

Pag-upo ni Gabby, may eksenang isusubo ni Ate Shawie ang isang French fry tapos buong giliw siyang pagmamasdan nito. Pag nahuli ni Sharon ang tingin ng kanyang Dear Heart dati iiwas ni Gabo ang kanyang mga mata sa nanay ni KC Concepcion.

Nung ang daddy naman ni Kristina Cassandra ang papangas ng fried chicken, si dating Madam Chairman naman ang titingin sa lalaking minsan ay minahal niya tapos, nung nagtama ang mga mata nila, si Sharon naman ang umiwas ng tingin.

Wagi yung sabay silang magsusubo sa piniritong patatas at yung the moves ni Gabriel na pinunasan kunyari nito ang mumo sa gilid ng labi ni Cuneta. Si Sharon naman, ang emotada encarnacion, malambing na binato ang hawak na tissue sa dating asawa.

Sa true lang, megadoses of kilig ang hatid ng commercial. At ang panalo sa lahat, na the ex lovers and biological parents of KC ay nasa tamang state of their minds and hearts kaya nangyari ito.

Ang sabi nga ni Sharon sa kanyang social networking site, “the best gifts my new “project” has given me are: A renewed friendship with the one I never thought I could ever be friends with again although he is such a big part of my life and my career… AND a happy daughter.”

Naka-tagged sa nasabing post ang mag-amang Gabby and KC Concepcion.

* * *

Posted rin sa official Facebook page ni Sharon ang isang behind the scene video kung saan may selfie at video moment sila. Dahan-dahan pa ngang ipinatong ni Gabby ang braso niya sa balikat ni Sharon habang sila ay kinukunan ng larawan. Ang kabaliw, ang mga tao sa paligid, dinig na dinig ang ingay, hiyawan at kilig.

Sa mga nagsasabing may chance na magselos si Senador Kiko Pangilinan dahil sa pagsasama nila ni Gabby, ang reak agad ni Ave Shawie, “Naku, super secure si Kiko, Super!”

Ang isa pang nilalang na sobrang ligaya, siempre pa si Kristina. May screen grab itong nagpapakita na ang tatay niya ay sinusundan ang nanay niya sa Instagram. May post rin si KC na, “Well played, fam. Never in my wildest dreams.”

Sana, may isang programa, pwedeng sa Rated K o sa Kapuso Mo Jessica Sojo, na ipapakita ang mga behind the scenes of the commercial shoot at may actual interview pa nina Sharon at Gabby.

Ay, ang saya-saya nun, di ba naman?

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply