Memorandum sa pagkakaroon ng National Communication Policy, pinagtibay na

NILAGDAAN na ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar ang isang Memorandum Order na lilikha ng National Communication Policy para sa buong pamahalaan.

Sa pamamagitan ng Memorandum Circular No. ‎0014 2018, layunin nito ani Andanar na ma-institutionalize ang paghahatid ng impormasyon at mensahe na mula mismo sa Pangulo.

Ngayong mayroon nang National Communication Policy, tiniyak ni Andanar na makararating hanggang sa mga barangay ang nais ipaabot ng Chief executive sa taong bayan.

Labing siyam na buwan ayon sa Kalihim nila aniya itong pinag-aralan hanggang sa kahapon nga ay pormal na itong pinagtibay sa pamamagitan ng Memorandum circular.

Ito na ang ikatlong policy na nalilikha ng PCOO sa ilalim ng Duterte Administration at ang naunang dalawa ay ang Freedom of Information at ang paglikha ng Task Force on Media Security. KRIS JOSE

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply