Naging convincing ang English dialogs ni Maja dahil kina Tirso at Aiko!

TEKA MUNA ni Troy Catan

NUNG Linggo ng gabi, February 4, 2018 naging guests sina “Ivy Aguas/Lily Cruz'” (Maja Salvador) at “Emilia Ardiente-Torillo”(Aiko Melendez) sa comedy talk show na Gandang Gabi Vice upang makipagkulitan kay Vice Ganda. Game na game sina Maja at Aiko sa pagbabahagi ng kanilang mga kwento sa likod ng camera nang matagumpay na teleseryeng Wildflower na matatapos na ngayong Biyernes, feb 9. Halos isang taong pamamayagpag sa ratings at pagiging trending sa social media.

Masayang ibinahagi ni Maja ang mga eksenang hindi niya malilimutan at talaga namang tumatak sa masusugid na tagasubaybay ng teleserye gaya ng “The Black Wedding” at ang kanyang pagbabalik bilang Lily Cruz na may pamosong linyang “Black is out, gold is in; I am indestructible!”

Isa sa mga ‘di-malilimutang eksena ni Maja ang pagtugis niya kay Red Dragon na ginampanan ni Zsa Zsa Padilla kung saan sumabit siya sa helicopter at hindi siya nagpakuha ng kanyang double.

Inamin ni Maja na naging mahirap sa kanya ang mga diyalogong nasa wikang Ingles, lalo’t hindi ito maiiwasan sa kanyang karakter bilang mayamang CEO ng kompanya.

Malaki naman ang pasasalamat ni Maja sa mga kasamang artista sa set lalo na kay Tirso Cruz III at Aiko Melendez sa pagtuturo sa kanya ng tamang pagbigkas ng mga salita at intonasyon sa wikang Ingles.

Hindi maitatatwang naging maganda ang samahan ng buong cast at talagang napalapit sila sa isa’t isa.

Samantala, pinuri naman ni Aiko Melendez si Maja Salvador dahil sa kahusayan nito at pagiging mabait na tao. Wala raw siyang masasa- bing any negative thing kay Maja. Sobrang professional daw ito pagdating sa trabaho.

* * *

TILA nagpa-practice na sa kanilang future baby ang celebrity couple na sina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz habang karga nito ang isang sanggol.

Kamakailan sa Instagram post ni Ellen, ibinahagi nito ang larawan kung saan karga niya ang isang baby. Katabi nito si Loydie na nakahawak naman sa daliri ng sanggol.

Naka-tag sa naturang post ang “Pusong Ligaw” actress Beauty Gonzalez gamit ang hashtag #OliviaInes, unang baby ni Beauty Gonzales sa mister na si Norman Crisologo, isang art curator.

Ito ang nasabing post:”Happy birthday Olivia! Sorry kai Beauts na bad ninong and ninang mi kai absent. Bawi mi nig balik! Hahaha,”

Nag mistula namang family picture ang larawan nina Ellen, John Lloyd at baby Olivia (anak ni Beauty Gonzales).

Ang larawan ay naging usap-usapan hinggil sa celebrity couple kabilang ang pagbubuntis, planong pagpapakasal at kamakailan ay ang umano’y pagbili ng property nang dalawa.

Lumakas pa ang ispekulasyon noong weekend kung saan nagkomento si Ellen sa Instagram post ng actress na si KC Concepcion tungkol sa bagong property nito sa Palawan.

Ayon sa post ni Ellen: “New neighbor!”

* * *

SA programang Tonight With Boy Abunda, ibinahagi ni Jodi Sta. Maria ang magandang samahan nila ni Iwa Moto na ngayon ay kinakasama ng dati niyang asawang si Pampi Lacson.

Kuwento ng bida sa seryeng Sana Dalawa Ang Puso Ko: “It’s not naman na in a snap of a finger everything happened. Hindi gano’n, e. It was a process also. But it all started, this beautiful friendship started with forgiving. It all started with forgiveness. When we have forgiven each other for our mistakes then that paved the way to a beautiful relationship.”

Dagdag pa niya: “Ito ang klase ng friendship na wala ka nang mahihiling. Alam mo ‘yong punung-puno siya nang pagmamahal at ng respeto. And nando’n kami sa punto na kaya namin pag-usapan kahit na ano.

“Kami ni Iwa sobrang naging close after all, lab ko yan si Iwa!”

Matatandaang, nagkaroon din ng kontrobersiya sina Jodi at Iwa noong bago pa lang ang relasyon ni Iwa kay Pampi Nagkaroon ng isyu na si Iwa ang naging dahilan ng hiwalayan ng mag-asawa.

Ngunit ngayon ay kaya na raw pagtawanan ni Jodi ang dating naging isyu sa pagitan nila ni Iwa. yun nah!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply