NAMUMUTIKTIK NA PASUGALAN SA BULACAN

PASAKALYEHAN natin ang Bulacan na pinamumunuan ng magiting na gobernador na si Wilhemino Alvarado.

Bukod sa kaliwa’t kanang krimen, bayan-bayan din ang operasyon ng mga iligal na pasugalan na hindi man lang nasusugpo.

Ilang taon na lang ay matatapos na ang termino ni Gob pero simula nang maupo si Alvarado ay wala pa akong nabalitaan na ipinag-utos niya sa mga mayor o sa kapulisan ang pagbuwag at paghuli sa mga iligal na pasugalan na dahilan din ng dumaraming krimen.

Gaya na lamang ang mga perya na (kunwari ay recreational games) front ng iligal na pasugalan gaya ng drop ball, color game, pula’t puti, roleta at iba pa na ino-operate ng gambling operators na nakasandal sa mga kapulisan.

Kabilang sa mga pasugalan ang kay Jessica sa Sta. Maria na dinarayo pa ng mga manunu-gal mula pa sa mga kalapit-bayan nito para lang makapagsugal.

May puwesto ito sa Brgy. Pulong Buhangin.

Si Ely naman ay mayroon nito sa Brgy. Catmon at ipinagmamalaki nito na back-up niya ang chief of police ng bayan.

Kung magagawi ka naman sa Sto Niño, Hagonoy, Bulacan, mabubungaran mo ang magdamagang sugalan na pag-aari naman ni Ruding, at ‘pag gu-mawi ka naman sa Brgy. Biglang Awa, Pulilan, hindi naman magpapatalo ang pasugalan ni Gugoy na walang bukambibig kundi si mayor.

Sa Iba, Meycauyan naman, astig itong si Andy dahil hawak nito ang pinakamalaking sugalan sa bayan na ‘yan habang sa Brgy. Tambubong, San Rafael, Bulacan, ang may-ari ng pasugalan ay si Ruding.

Sa Brgy Batasan, San Miguel, isang nagpapakilalang bata raw ni Gordon ang may-ari ng pasugalan.

Ngayon ko titingnan kung kaya ni Gov. Alvarado na maipasara ang mga iligal na pasugalan sa lalawigan niya.

Kahit sa huling termino man lang niya ay makabawi man lang siya sa mga ipinapasahod sa kanya ng taumbayan.

SI HEPE AT ANG VK NI LOTLOT

Sa Caloocan City, sa Bagong Silang, sangkatutak naman ang mga makina o video-karera ang inilatag ni Lotlot sa nasabing lugar.

Hindi man lamang pinagbabawalan ni Bagong Silang PCP Commander Capt. Reymond Nicolas.

O, Kap. Nicolas, ipinapaalam ko na sa inyo ang mga vk ni Lotlot sa sakop ninyong lugar.

oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply