Napahamak dahil sa ‘curiosity’!

NAG-AALALA ang members ng all-male group sa kanilang kasamahan na ilang linggo nang hindi nakikita at nakakasama sa noontime show na kanilang nilalalabasan. Kilalang mahusay na dancer ang member na ‘to ng all-male group.

Any moment ay puputok din ang katotohanan sa ‘di pagre-report sa show ng naturang member dahil nag-umpisa na ang bulung-bulungan sa loob at labas ng studio ng kanilang programa.

Ayon sa aming source, nakabuntis si member’ ng girl who is much older than him. While, the guy is still a minor.

We heard, pilit na kino-contain ng matataas na bosing sa show na kinabibilangan ng all-male group at ang nagma-manage ng career ni ‘member.’

Tinitimbang pa siguro nila kung ano ang best interest for him since minor pa nga siya. Either tigil muna siya sa pag-aartista or tuloy pa rin sa showbiz pero haharapin ang consequences nang pag-amin niya o paglutang balita tungkol sa pagkakabuntis niya roon sa girl. Tutal hindi lang naman siya ang minor na naging ama sa showbiz.

At dahil minor pa si ‘member,’ he is protected by the law.

Ang tingin nga namin sa sitwasyon, agrabyado ‘yung girl na nabuntis kaysa kay minor na member. So, all she had to do is wait for the ‘youngest member’ to reach his adulthood bago siya makagawa ng anumang naaayon sa batas.

Ayon sa aming source, wala raw relasyon si ‘member’ doon sa girl.

For curiosity’s sake lang daw kaya sinubukang gawin ‘yun ni ‘youngest member’ as part of his growing-up.

Mukhang hindi alam ni ‘member’ ang kasabihang curiosity kills a cat.

—oooOOOooo—

Todo-todo talaga ang suportang nakukuha ni Hashtag Ryle Santiago from his family since day one nang pagpasok niya sa showbiz.

Kaya expected na namin ang presence ng family ni Ryle sa grand launch ng kauna-unahan niyang product endorsement mula sa Megasoft Hygienic Products, Inc. ang CHRUB baby wipes, baby soap, baby powder and baby cologne.

Syempre, thankful si Ryle dahil siya ang napili ng Cherub owners sa pangunguna ng VP for Marketing ng Megasoft Hygienic Products, Inc na si Ms. Aileen Chois-Go.

Kung mabibigyan ng chance gusto rin ni Ryle na maging entrepreneur gaya ng Mommy Shey niya na pati yata pagbebenta ng yelo ay ninegosyo. Isa rin kasi sa advocacy ng Megasoft sa mga kabataan turuan sila na maging entrepreneur.

Unlike other showbiz moms, never naging stage mother si Shey kay Ryle since pumasok ang kanyang anak sa showbiz. Pero paminsan-minsan pumupunta si Mommy Shey sa “It’s Showtime” kapag kailangang-kailangan.

Wala naman daw problema kung magkita si Mommy Shey at ang biological father ni Ryle na si JunJun Santiago na isa sa executives ng “It’s Showtime.”

Bongga ang pasok ng 2018 kay Ryle, huh! Bukod sa CHERUB, may dalawang pelikula siya na ipapalabas. Una, ang “Bakwit Boys” at ang “Endless Love.”

Nagsimula na rin ang bagong teleserye ni Ryle na “Asintado.”

And speaking of Mommy Shey, she celebrated her birthday last February 10 (Saturday). Sinalubong daw nila ang birthday niya sa isang paborito nilang restaurant pagkatapos ay nag-perya sila ng kanyang mga anak sa SM Mall of Asia.

Ni-reveal sa amin ni Mommy Shey na pwede nang ipambili ng bonggacious na condo or luxury sports car ang nakatabing pera ni Ryle. But they advise him to use his money properly and wisely.

Nakikinig naman daw sa kanila ni Daddy Chris si Ryle. No wonder, lumaking maayos at happy kid si Ryle dahil sa pagpapalaki nina Mommy Shey at Daddy Chris. SWAK NA SWAK/JULIE BONIFACIO

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply