NATIONAL PRESS FREEDOM DAY ABOT-KAMAY NA! (2)

IPAGPATULOY natin ang pagtalakay ukol kay Marcelo H. del Pilar o Plaridel bilang itinuturing na patron ng mediamen.

Bukas din si Plaridel sa Rebolusyon kaya ang kanyang bayaw na si Deodato Arellano ang naging unang tagapangulo ng Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan o KKK.

Tunay ngang nakahahanga ang buhay ng ating bayani. Lubos po akong nananalig sa kanyang mga prinsipyo at pakikipaglaban.

Namatay siya sa ibang bansa na isang pulubi. Walang makain o pampagamot sa kanyang sakit.

Ang National Press Club ang isa sa mga tumulong para maibalik ang mga labi ni Plaridel sa kanyang bayang sinilangan sa Bulakan, Bulacan noong dekada 80. At sa bayan ng mga bayani nakahimlay ang kanyang mga labi, sa Marcelo Del Pilar Shrine.

Maituturing nating isang malaking panalo ito ng NPC at ng lahat ng mamamahayag sa bansa kapag naging batas na ang National Press Freedom Day.

Tama ba, NPC Pres. Paul Gutierrez?

Unti-unti nang nagbubunga ang ating mga pagsisikap noon, simula pa lang nang magsagawa tayo ng Media Camp sa Bulakan noong Agosto 29-30, 2015.

Konting kembot na lang, wika nga. Hindi na tayo maiinip. Sa susunod na linggo ay mangungulit na tayo sa Senado.

Kapag naipasa na ito, lubusan nang makagagalaw ang buong pwersa ng pamahalaan kaakibat ang pribadong sektor upang maipamalas sa lahat ng Pilipino ang kadakilaan ni Del Pilar.

Sa pamamagitan ng tanang selebrasyong ito, tuloy-tuloy na nating maibabahagi sa lahat ang kahalagahan ng kalayaan sa pamamahayag, ang karapatan ng mga mamamahayag at kanilang mga responsibilidad at ang kahalagahan na gawing ligtas sila sa lahat ng uri ng kapahamakan lalo na sa kamatayan.

Kasihan nawa tayo ng Dakilang Allah! Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh! DALA KO EGCO/JOEL SY-EGCO

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply