NBA star Rasual Butler, misis patay sa aksidente

NAMATAY sa aksidente ang dating NBA player na si Rasual Butler at ang kaniyang asawang si Leah Labelle.

Minamaneho ni Butler ang kaniyang Range Rover nang mawalan ng kontrol at bumangga sa pader hanggang bumaligtad ang sasakyan sa Studio City, California.

Ayon sa mga otoridad, posibleng mabilis ang takbo ng sasakyan kaya naganap ang aksidente.

Ang 38-anyos na si Butler ay unang naglaro sa Miami Heat noong taong 2002.

Nalipat din ito sa iba pang NBA teams gaya ng Charlotte Hornets, Los Angeles Clippers, Chicago Bulls, Toronto Raptors, Indiana Pacers, Washington Wizards at huli siyang naglaro sa San Antonio Spurs noong 2016.

Ang misis naman niyang si Leah Labelle ay isang RnB singer at nakilala sa “American Idol” noong 2004. JOHNNY ARASGA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply