OFWs mula sa Kuwait, ‘di pipiliting umuwi ng Duterte admin

HINDI pupuwersahin ng pamahalaan ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Kuwait na tatangging umuwi ng Pilipinas kahit idineklara na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang total deployment ban sa naturang bansa.

Ani Presidential Communications Office (PCO) Sec. Martin Andanar, base sa pahayag ni Labor Sec. Silvestre Bello III, mag-aalok lamang ng libreng sakay sa eroplano para makauwi ng bansa ang ginagawa ng pamahalaan pero igagalang pa rin ang desisyon ng mga OFWs na ayaw bumalik sa bansa dahil sa kontrata at iba pang kadahilanan.

Aniya, layon lang ng Duterte administration na hindi na maabuso pa ang mga OFWs mula sa mga walang pusong employer.

Ipinaalala rin ni Sec. Andanar ang pahayag ni Pangulong Duterte na mistulang walang utang na loob ang Kuwait sa mga tulong na naibigay ng bansa at ng iba pang bansa noong panahon na bumabangon pa lamang ito matapos salakayin ni dating Iraqi President Saddam Hussein ang nabanggit na bansa.

Naiintindihan naman ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) kung hindi man tumugon ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa voluntary repatriation ng pamahalaan lalo na ang may mga reklamo sa kanilang amo sa Kuwait. KRIS JOSE

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply