Pag-angat ng ekonomiya sa ilalim ng Pederalismo tiniyak ni Alvarez

TINIYAK ni House Speaker Pantaleon Alvarez na walang maiiwan na rehiyon dahil pwede aniyang pagsamahin ang mahirap at mayamang rehiyon sa ilalim ng pederalismo upang maalalayan ang mga mahihirap na lalawigan.

Aniya, malaki ang potensyal ng bawat rehiyon sa bansa na umunlad at ang kailangan lamang ay sama-samang magsikap ang mga lokal na pamahalaan sa pag-aangat ng ekonomiya.

Kung hindi naman aniya kakayanin ng isang rehiyon na magsarili lalo pa’t kapos ang locally generated revenues ay tutulungan ito ng national government.

Dahil magkakaroon aniya ng special fund na gagamiting pang-ayuda hanggang sa makabangon ang isang lalawigan.

Kinumpirma rin ni Alvarez na sa ilalim ng pederalismo ay mawawala ang Internal Revenue Allotment (IRA) o ang tinatanggap na share ng lokal na gobyerno mula sa natinal government.

“Wala ng IRA iyan 80-85 percent ng income mo maiiwan na sa iyo, eh sobra-sobra na iyon kung i-compute mo sa IRA mo iyon. Kailangan lang talaga magsipag iyong region na iyon.”

Ang hindi aniya maiiwasan sa konsepto ng pederalismo ay ang pagkakaroon ng kompetisyon upang maka-angat ng husto ang isang state.

Maaari naman aniyang lumikha ang bawat estado ng kaniya-kaniyang economic policies upang makapanghikayat ng mga investors.

Sa ngayon ay kinumpirma rin ni Alvarez na nakapagsumite na ang PDP-Laban ng sarili nitong draft sa House Committee on Constitutional Amendments.

Sa ngayon aniya ay gagawing tuloy-tuloy ang gagawing public hearings ng komite upang lahat ng sektor ay makapaglatag ng opinyon at saka ito pagsasama-samahin. MELIZA MALUNTAG

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply