Pagpapaospital sa Dengvaxia victims sasagutin ng pamahalaan

SASAGUTIN ng pamahalaan ang anumang gastusin sa ospital ng mga pasyenteng dadalhin sa pampublikong ospital na pinaniniwalaang nagkasakit dahil sa Dengvaxia.

Nauna nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa lahat ng pampublikong ospital sa bansa na ibigay ang kaukulang medical attention sa sinumang mga bata o pasyenteng nabakunahan ng dengue vaccine na Dengvaxia kung may naramdamang kakaiba sa kanilang katawan at isinugod sa kanilang pagamutan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na resulta ito ng pakikipagpulong ni Pangulong Duterte kina Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Dante Jimenez, Public Attorneys’ Office (PAO) chief Persida Acosta at Justice Sec. Vitaliano Aguirre.

Samantala, bukas si Pangulong Duterte na kumuha ng mga dayuhang ekspertong pathologist para magsagawa ng pagsusuri sa mga biktima.

Nanawagan naman si Sec. Roque sa mga nanay at tatay na huwag matakot pabakunahan ang kanilang mga anak para sa iba pang uri ng sakit dahil hindi lahat aniya ng bakuna ay masama.

Kailangan din aniya na maging mahinahon lamang ang mga ito dahil nasa panig nila ang gobyerno.

Mas nakasasama aniya kung hindi nabakunahan ang mga bata dahil baka ito magdulot ng mas malalang sakit tulad ng tigdas. KRIS JOSE

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply